ENRICO'S POV "WHAT happen?" Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Riya nang biglang tumigil sa pagtakbo iyong kotse. "Hindi ko alam, eh. Bigla na lang tumigil. Damn!" at inis na hinampas ko iyong manibela. Ini-start ko ulit iyong kotse ngunit ayaw talaga. "Siguro, kailangan lang nitong itulak," suggest ko sabay lingon kay Jocco. Tumaas ang dalawang kilay ni Jocco. "Okey. Ako na lang ang magtutulak," sabi nito. "Are you sure?" "Of course, Riya. Banat yata sa gym ang muscles ko!" at bumamaba na ng kotse si Jocco para itulak iyong kotse. Ang yabang talaga ng Jocco na iyon. Malaki nga ang katawan niya pero 'di hamak naman na mas gwapo ako sa kanya. Itong namang si Riya, concerned na concerned sa lalaking iyon. Tss! Selos? Of course, I am. Nagseselos ako at may karapatan akong maramdaman i

