ENRICO'S POV YES! Lihim akong nagdiwang nang pag-gising ko ng umagang iyon ay tulog na tulog pa rin si Riya. Actually, kagabi ko pa ito plinano--- ang muling ibalik kung ano kami noon ni Riya. Halos hindi na nga ako nakatulog sa pag-iisip ng mga gagawin ko para mangyari iyon. Siyempre, dapat umaga pa lang ay magpakitang-gilas na agad ako. Dapat mapabilib ko siya agad! Maingat akong bumangon at walang ingay na lumabas ng kwarto namin. Mahirap na baka magising ko pa siya. Five o'clock pa lang ng umaga. Usually, six pa siya nagigising kaya marami pa akong time para mag-prepare ng isang special breakfast. Kung masigasig si Jocco sa panliligaw sa asawa ko, aba, dapat na mas masigasig ako sa kanya! Hindi pwedeng magtagumpay ang lalaking iyon. Hindi ako papayag! Una ay gumawa ako ng special f

