CHAPTER TWO: Mighty Bond

1751 Words
ENRICO'S POV "SO, what happened next, Enrico? Sumuko ka na ba? Anong moves ang ginawa mo para mapansin ka ni Riya?" tila excited na tanong sa akin ni Jocco na sinundan pa niya ng pagsubo ng ilang piraso ng french fries. Tiningnan ko siya. "Actually, you interrupted my story-telling..." Itinaas ni Jocco ang dalawa niyang kamay. "Oooppps! Sorry. Go on. Excioted lang talaga akong malaman ang mga susunod pang nangyari after ng incident na iyon sa bar." I just cleared my throat at ipinagpatuloy muli ang aking pagkukwento... "BYE, guys! Bukas ulit, ha!" Medyo bulol na ako sa pagsasalita dahil sa totoo lang ay lasing na ako. Kumakaway-kaway pa ako sa papaalis na kotse na kinalululanan ng magkapatid na Xander at Sandy. Napadami na rin kasi ang inom ko. Dumagdag pa ang inis ko dahil sa hindi ako pinansin niyong magandang babae kanina doon sa bar. Ngayon lang yata hindi nag-work ang charm ko, ah! May araw din sa akin ang babaeng iyon. Kapag nag-krus ulit ang landas namin ay talagang hindi ko na siya papakawalan pa. Nang hindi ko na matanaw ang sasakyan nila ay saka ako pumunta sa kotse ko at sumakay na doon. Nag sign of a cross muna ako bago ko inistart ang engine ng kotse at pinaandar iyon. Medyo mabagal lang ang pagpapatakbo ko dahil sa lasing nga ako. Mahirap na at baka maaksidente pa ako kung bibilisan ko. Hanggang sa may napansin akong babaeng naglalakad sa gilid ng sidewalk. Teka! Parang kilala ko iyon, ah! That dress and hair... Kahit nakatalikod iyong babae ay hindi ako maaaring magkamali. Siya iyong masungit na babae sa bar na sinupladahan lang ako nang magpakilala ako kanina! Medyo sinabayan ko ang paglalakad niya habang nagda-drive ako. Nasa kaliwa ko siya kaya binuksan ko ang bintanan ng kotse ko at dumungaw. I called her. "Miss Masungit! Ihatid na kita sa bahay mo!" Lumingon siya pero isang masamang tingin lang ang isinagot niya sa akin. "Miss, gabi na. Baka kung mapaano ka pa. Sige ka..." May himig ng pananakot ang huling sinabi ko s kanya. "Get lost!" sigaw niya pero hindi na niya ako nilingon. Ang sungit talaga. Pero mas na-cha-challenge ako sa mga ganyan. Saka kilala ko na ang mga babae. Kunwari susungitan ka pero iyon pala nagpapakipot lang. "Miss... mamaya pagtripan ka pa diyan ng mga tambay diyan!" pananakot ulit. Medyo nagulat ako nang malakas siyang tumili. Iyon pala ay naputol ang isang takong ng kanyang suot na high heels. Hinubad niya iyon at ipinakita niya iyon sa akin. "Look what have you done! Dahil sa kakulitan mo, naputol ang takong ko!" Napangisi ako. That is so epic! "Ikaw kasi, sinusungitan mo agad ako nang hindi mo pa naman ako nakikilala," sabay tawa ko. Napaupo na iyong babae sa gilid ng sidewalk. Sa tingin ko ay umiiyak na siya. Naiiling na tiningnan ko siya. Binuksan ko iyong maliit na compartment ng kotse ko at kinuha doon ang Mighty Bond na naroon. Inihinto ko muna ang sasakyan at bumaba. Nilapitan ko iyong babae. Tiningnan niya ako ng masama. "Leave me alone!" bulyaw niya. Imbes na sundin siya ay umupo pa ako sa tabi niya. "I can't leave you in distress, Miss," kinuha ko sa kanya iyong sapatos niya na naputulan ng takong. "A-anong gagawin mo?" nagtataka niyang tanong. Sa pamamagitan ng Mighty Bond ay inayos ko ang takong ng sapatos niya. "Here!" yumukod ako sa harapan niya upang isuot sa kanya ang sapatos. Bigla siyang tumawa nang malakas. Sobrang amazed akong napatingin sa kanya. "Oh, bakit ka tumatawa?" mas gumanda siya nang tumawa siya. "Wala. Natatawa lang ako sa'yo. Kaya ko namang bumili ulit niya ng bagong shoes kaya hindi mo na kailangang ayusin pa 'yan. Well, anyway... salamat!" Finally, nginitian na rin niya ako. "Pero hindi ba mas magandang ayusin mo na lang ang isang bagay kesa palitan mo? By the way, ako nga pala si Enrico," sabay lahad ko ng kamay ko na tiningnan niya lamang. "I hope, hindi mo na ako pagsusungitan..." dugtong ko pa. "Riya... My name is Riya!" at nakipag-shake hands na siya sa akin. Shit! The softest hands na nahawakan ko! Ngayong ka-face to face ko na siya ay talagang mas napatunayan ko na maganda nga talaga siya. "Natulala ka na diyan? Ganyan na ba ako kaganda at na-a-amaze ka yata sa mukha ko!' biro niya. Ikiniling ko ang uo ko. "Well, maganda ka nga and that's a fact. Kaya lang masungit ka..." "Masungit lang ako sa taong hindi ko pa kilala." "Eh, `di dapat hindi ka na magsusungit sa akin. Kilala mo na ako..." Umirap siya. "Pangalan mo lang ang alam ko." "Then I dare you na kilalanin mo pa ako. Balik tayo sa bar, let's have an another round!" Bigla siyang tumayo at sumakay na siya sa kotse ko. "Lets go!" sigaw pa niya. Naiiling na napapangiti ako. "Okey! Coming!" at sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar iyon. Nawala pagkalasing ko bigla, ah! Kapag siniswerte ka nga naman, kanina ang sungit-sungit ng babaeng ito sa akin, ngayon siya pa ang kusang sumakay sa kotse ko. "Napansin ko kanina, mag-isa ka lang na umiinom... Any problem?" tanong ko habang tinatahak namin ang daan pabalik ng bar. Sinuklay niya ng kamay niya ang mahaba niyang buhok. "Napapagod lang ako sa bahay. Seventeen years old na ako pero kung ituring ako ng parents ko ay parang eight years old! I want to be free and live my life the way I want to." "I'm twenty na pero naiintindihan kita. Ako naman, bata pa ako pero pinipilit na agad ako ng parents ko na i-manage ang business namin. Gusto ko munang magpakasawa sa buhay ng malaya na walang iniisip kundi ang magpakasaya!" "Tama ka. May pagkakatulad nga ang sitwasyon natin. Siguro nga, we are destined na magkakilala." Mabilis ko siyang tiningnan sa sinabi niyang iyon. "Destined? Destiny? Naniniwala ka doon?" I asked. "Oo naman. At naniniwala ako na hindi aksidente ang pagtatagpo o pagkakakilala ng dalawang tao. Lahat ng iyon may rason, lahat may dahilan." "Parang ikaw at ako..." She hissed. "Well, unfortunately!" "Anong sabi mo?" pinandidilatan na tanong ko sa kanya. "Wala! Ang sabi ko, bilisan mo na ang pagda-drive at malapit na magsara iyong bar!" natatawang utos sa akin ni Riya. ARGH! Ang sakit ng ulo ko. Mariin kong minassage ang parteng sentido ko nang hindi man lang ako nag-aabala na imulat ang aking mga mata. Hangover... Grabe kasi si Riya kagabi. Ang dami pa naming nainom at naabutan na kami ng pagsasara n'ong bar. Tapos dahil sa sobrang lasing na kami ay nagkasundo kami na matulog na lamang sa isang hotel at... at... at... Oh s**t! Mabilis kong iminulat ang aking mga mata at nabigla ako nang makita ko si Riya na natutulog sa tabi ko at balot ng kulay puting kumot. Dahan-dahan kong sinilip ang sarili kong katawan sa ilalim ng kumot at napamura ako sa utak nang malaman kong I'm on my birthday suit! Yes, "something" happened last night. Tumayo na ako at doon na nagising si Riya. Nagsisigaw siya nang makita ang kahubdan ko. "Bakit ka sumisgaw? You played with this last night!" "Kadiri ka!" naniningkit ang mga mata na tili ni Riya. Bigla akong natigilan nang mapansin ko ang kulay pulang mantsa sa puting kumot. "Y-you're a virgin?!" Awts! Bigla naman akong nakonsesiya. Hindi siya sumagot. Sinamsam na lamang niya ang mga damit niya na nagkalat sa sahig. Nilapitan ko siya at hinaplos ang kanyang pisngi. "I'm sorry, Riya. H-hindi ko alam..." "We can't take back kung ano na ang nawala. So, what's your plan now, Enrico?" Saglit na hindi gumana ang utak ko para mag-isip ng isasagot sa tanong na iyon ni Riya. "Plan? For what?" "Para sa atin? Don't tell me ganun-ganun na lang ang nangyari?" "O-of course not!" sabay yakap ko sa kanya. "You are mine now, Riya. Girlfriend na kita..." NAIILING na uminom si Jocco sa softdrink niya. Alam kong medyo natatawa na siya sa kwento niya. "You are a lucky man, Enrico! Pumatol ka sa isang seventeen years old? Mabuti at hindi ka niya dinemanda ng rape or what." "Pero Magte-twenty na siya ngayon and besides, lasing kaming dalawa noon," pangangatwiran ko na lang. "Kahit na. Nangyari iyon when she was seventeen..." "Okey! So, pwede ko na bang ituloy ang pakukuwento ko para matapos na tayo dito?" "Sure!" At muli kong ipinagpatuloy ang pagkukwento ko kay Jocco... "ENRICO, buntis ako..." Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong juice sa sinabing iyon ni Riya habang kumakain kami sa Jollibee. "What? Papaano? Gumagamit naman ako ng---" "So, ganyan talaga ang isasagot mo?! Napaka-insensitive mo, Enrico!" mangiyak-ngiyak niyang sabi. "Halos isang taon na tayo, Enrico at ginagawa natin ang ginagawa ng mag-asawa tapos magtataka ka kung bakit ako nabuntis?" Napapahiya na sinabihan ko si Riya. Pinagtitinginan na rin kasi kami ng ibang kumakain doon. "Okey, okey... Calm down, Riya. Ang totoo niyan ay masaya ako." At isang pilit na ngiti ang gumihit sa aking labi. Natigilan siya. Isang nananantiyang tingin ang ipinukol niya sa akin habang nakalabi siya. "Talaga? Pero paano pag nalaman ito nina Daddy? Mapapatay nila ako!" Hinawakan ko siya sa kamay. "I'll marry you, Riya. Magpapakasal tayo," sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi. Ang nasa isip ko lang ng mga sandaling iyon ay ang pakalmahin si Riya sa posibleng paghihisterikal niya. "K-kasal?" biglang nagningning ang ang mga mata niya. "Oo! Kasal at hindi lang basta-basta kasal, kundi kasal sa simbahan!" Oo ang sagot ko pero bakit tila bigla akong nag-alinlangan? Hay... Mapapasubo yata ako nito, ah. Bahala na nga! KATULAD ng inaasahan ko ay nagalit ang parehas na mga magulang namin ni Riya pero eventually ay natanggap din nila lalo na at medyo nahahalata na ang tiyan ni Riya. Isang simpleng kasal ang naganap sa simbahan. Gaya ng ipinangako kay Riya. Simple pero kitang-kita ko ang saya sa mukha ni Riya. Habang ako? Medyo malungkot kasi hindi pa talaga ako handa sa ganitong bagay. Hindi pa ako sawa sa pagiging malaya. Kaya ko nga tinatakasan ang pag-ma-manage ng business namin dahil sa ayaw ko pa ng malalaking responsibilidad. "Enrico, salamat at hindi mo ako pinabayaan," sabi sa akin ni Riya habang nasa reception na kami at abala na ang lahat sa pagkain. "Wala iyon, Riya..." tugon ko. "I love you, Enrico." "I l-love you, too..." sana lang ay hindi napansin ni Riya ang pag-aalinlangan sa aking boses. Ano ba itong pinasok ko? Hindi ko pa naman sigurado kung mahal ko ba talaga ang babaeng inakasalan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD