CHAPTER 03: Waking Up With My Wife

1761 Words
ENRICO'S POV NAIILING na napapatawa na si Jocco sa mga kinukwento ko sa kanya. Tumikhim ako para iparamdam sa kanya na hindi ako natutuwa sa ginagawa niyang tila pagtawa sa kwento ko. "Pinagtatawanan mo ba ako, Jocco?" seryosong tanong ko sa kanya. Umiling-iling siya. "Of course, not! Hindi ako sa iyo natatawa kundi sa kwento mo," sagot niya. "Can I continue now?" "Sure! Excited na akong malaman kung bakit mo gustong makipaghiwalay sa asawa mo..." Uminom muna ako sa aking inumin at ipinagpatuloy ko na ulit ang aking pagkukwento... "GOOD morning, Enrico!" Whoa! Mabilis kong ibinukas ang aking mga mata nang may bigla kumalabit sa akin at bumulong sa aking tenga. Nagpalinga-linga ako at napakunot ang aking noo nang makita si Riya na nakaupo sa tabi ko habang nakahiga pa ako sa kama. Hindi rin ako nakapag-react nang bigla akong halikan ni Riya sa aking noo. "Riya? A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko. May pagtataka. Ang noo naman ni Riya ang kumunot. "Ano bang pinagsasasabi mo diyan, Enrico? Kinasal na tayo kahapon, `di ba? This is our first morning dito sa bahay natin!" at tila nagtatampo na tinalikuran niya ako. Shit! Oo nga pala. Nasanay na kasi ako na alarm clock ang gumigising sa akin at gumigising ako na wala akong nakikitang ibang tao sa kwarto ko. Bumangon ako and I hug Riya from her back. "Sorry na..." hinalikan ko pa ang likod ng tenga niya. She smells so sweet! Nabubuhay ang dapat mabuhay sa katawan ko. "Please try to understand na hindi pa ako sanay na may kasama sa kwarto. Sorry na, misis ko..." Bigla siyang humarap sa akin. "Anong tinawag mo sa akin?" tanong niya. "Misis ko." "Ulitin mo nga..." "Misis ko!" Isang malapad na ngiti ang pumaskil sa mapupula niyang labi. "Napakasarap pakinggan, mister ko!" "`Cause you are mine now... Misis na kita," and binigyan ko siya ng halik sa labi. Mabilis lang. Nakita ko na napapikit siya. "Misis ko," tawag ko sa kanya at tila nagising sa isang magandang panaginp na nagmulat siya ng mga mata. Hinapos-haplos niya ang pisngi ko. "Alam mo ba, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na mag-asawa na tayo. Napakabilis ng mga pangyayari pero wala akong pinagsisisihan dahil alam ko naman na dito din tayo hahantong. I love you, Enrico!' Niyakap ko siya. "I love you too, Riya..." Bakit ba tila kay hirap sa akin na sabihin na mahal ko siya. "WOW! Ikaw lahat ang nag-prepare nito?" hindi ko makapaniwalang bulalas nang dumulog na ako sa dining table namin. Hotdogs, fried eggs, fried rice, bread at ang paparating na coffee na tinitimpla pa lamang niya. "Here..." sabay abot niya ng tasa ng kape matapos niya iyong haluin gamit ang kutsara. "Sana nakuha ko ang tamang timpla ng kape mo," aniya. I sipped from the cup of coffee na tinimpla niya. Tiningnan ko siya. Kinakagat-kagat niya ang kanyang mga daliri. "Halika nga rito!" sabi ko at tinapik ko ang lap ko. Ibig sabihin ay pinapaupo ko siya doon. Lumapit siya sa akin at umupo sa lap ko paharap sa akin. "Kumusta ang kape? Masyado bang matamis or baka naman mapait?" "Perfectly perfect!" nakangiti kong sabi. "Alam mo bang ikaw ang kauna-unahang babae na nakuha ang timpla ng kape ko?" "Talaga?" "Oo. At gusto kong habang buhay mo akong ipagtitimpla ng kape, misis ko!" sabi ko. Tumango siya habang nakangiti. "Promise ko, mister ko, habangbuhay kitang ipagtitimpla ng kape at hindi ako magsasawang gawin iyon. Ipagtitimpla kita ng kape hanggang sa matanda na tayo at hanggang sa magkaroon na tayo ng mga apo!" maluha-luha niyang sabi sa akin. PAGLABAS ko ng banyo ay napangiti ako nang makita ko na nakahanda na ang mga susuotin ko papunta sa cake house. Nagsimula na ako sa trabaho bilang branch manager ng cake house namin sa Laguna. Pinupunasan ko ng tuwalya ko ang buhok ko at lumabas ako ng kwarto ng nakatapis lang ng tuwalya. Hindi ko kasi nakita si Riya sa kwarto namin. Pagbaba ko sa salas ay nakita ko si Riya na nakatuntong sa isang bangko at naglalagay ng kurtina sa bintana. Nilapitan ko siya at itinapat ko ang tenga ko sa tiyan niya. "Enrico! Anong ginagawa mo?!" gulat na tanong niya. Bababa sana siya mula sa bangko pero pinigilan ko siya. "Just stay still, misis ko." Bahagya ko pang idinaiti ang tenga ko sa tiyan niya. "Gusto ko lang marinig kung sumisipa na ba si baby natin!" "E-enrico..." may pumatak na tubig sa batok ko. Alam kong umiiyak si Riya. Madamdamin talaga ang asawa ko. He he he! "Baby namin, kumusta ka na diyan? Huwag mong papahirapan si Mommy mo kapag lalabas ka na, ha. Excited na kaming makita ka!" "Naku naman, Enrico. Hindi pa iyan sisipa! Three months pa lang si baby natin, `di ba?" Tumingala ako upang makita si Riya at nahuli ko siyang pinapahid ang kanyang luha. "Kahit na. Hindi ba mas maganda na kinakausap na agad natin siya para makilala na niya agad tayo?" Hinawakan ko siya sa dalawa niyang kamay. "Bumaba ka na nga diyan, misis ko." Pagkababa niya ay niyakap ko siya. "Salamat sa paggising mo sa akin kanina at sa napakasarap na almusal. At pati na sa paghahanda ng susuotin ko..." Malambing niya akong kinurot sa tagiliran. "Dapat masanay ka na dahil mag-asawa na tayo. Pagsisilbihan kita at mamahalin. Iyon ang ipinangako ko sa iyo noong ikinasal tayo, `di ba?" "Kaya nga salamat... Maraming salamat, misis ko!" "You are always welcome, mister ko! Oh, siya, baka ma-late ka na niyan. Babyahe ka pa papuntang Laguna, eh? Dito ka ba magdi-dinner?" Tumango ako. "Oo naman! First dinner kaya natin mamaya kaya dapat lang na makauwi ako," tugon ko sa kanya. ISANG mahinang suntok sa braso ang nagpawala ng atensiyon ko sa binabasa kong mga papeles. Pag-angat ko ng aking ulo ay nakita ko ang nakangising mukha ni Xander. "Manager na manager na talaga ang dating mo ngayon, ah!" at umupo ito sa upuang nasa harapan ng table ko. "Ano namang ginagawa mo dito sa opisina ko?" at itinuon ko na ulit ang atensiyon ko sa mga binabasa ko. "Bakit? Kailangan ko pa bang magpa-arrange ng appointment bago kita makausap?" biro nito. "How's life being a husband?" Bigla kung inilapag ang mga papel na hawak ko. At tila inspiradong tao na sinagot ko ang tanong na iyon ni Xander. "Masaya! Very fullfilling! Alam mo iyong gigising ka na may nakahanda ng almusal tapos may maghahanda na rin sa mga susuotin mo. Itong suot ko ngayon... si Riya ang nag-prepare nito! At mamayang gabi, sabay kaming magdi-dinner. Excited na nga akong umuwi mamaya, eh," pagmamalaki ko pa. Tumayo si Xander mula sa pagkakaupo at sinalat-salat ang noo at leeg ko. "Bro, may lagnat ka ba? Ikaw ba iyan? Parang noong isang araw lang, naghihimutok ka parang napipilitan ka lang na pakasalan si Riya." "Oo nga pero binago ni Riya ang pananaw na kong iyon. She is a perfect wife!" "Huwag ka munang magsalita ng tapos, bro. Isang araw pa lang kayong nagsasama kaya ganyan... puro sarap, puro heaven. Baka naman pag nagtagal at pag nagbago si Riya. kakainin mo lahat ng sinasabi mo ngayon." Binato ko si Xander ng ballpen pero umilag siya. "Bakit ba ang negative mo, bro?" natatawa kong tanong sa kanya. "Saka bakit ka ba nandito?" Bumuntung-hininga si Xander. "Hay... Yayayain sana kita sa boys night out ng barkada mamaya pero mukhang alam ko na ang isasagot mo." "Mabuti at alam mo. First dinner namin ito ni Riya at hindi ko ito papalampasin!" ngingiti-ngiti kong sabi. "Ang corny mo, bro! Kinikilabutan ako sa iyo!" natatawang biro pa sa akin ni Xander. AWTOMATIKONG pinatay ko ang laptop na nasa harapan ko nang makita ko na five o'clock na ng hapo. Oras na para sa pag-uwi ko. Isinilid ko na sa bag ko ang laptop at lumabas na ng opisina ko dala iyon. Halos isa at kalahating oras din ang biyahe ko from Laguna to Tagaytay kung saan naroon ang bahay namin ni Riya. Habang nagda-drive ay isang flower shop ang aking nadaanan. Huminto ako sandali doon at bumili ako ng isang dosenang red roses. Sigrado akong magugustuhan ito ni Riya! Alas-otso na ng gabi halos nang makarating ako sa bahay namin. Medyo natraffic kasi. Kakatok pa lamang ako sa pinto nang bumukas na iyon at bumungad sa akin ang aking asawa. "Narinig ko ang kotse mo kaya ipinagbukas na kita. Akala ko hindi ka na darating, eh..." nag-aalala niyang sabi. Mabilis ko siyang hinalikan sa kanyang mga labi. "Sorry po, misis ko. Traffic kasi," paliwanag ko sa kanya. Pumasok na kami at pumunta na agad ako sa dining area. "Ipinagluto kita ng kare-kare. Tumawag kasi si Mama kanina," tukoy ni Riya sa mommy ko. "Nangungumusta siya at itinanong ko na rin kung ano ba ang paborito mong ulam. Kaya, `ayan, ipinagluto kita ng favorite mong kare-kare!" Umupo na ako at iniayos na niya ang pinggan ko. Nilagyan niya iyon ng kanin at ng ulam namin na kare-kare. "Mabuti naman at marunong kang magluto ng kare-kare." "Hindi man halata pero marunong talaga akong magluto. Bata pa lang ako ay mahilig na akong makisawsaw sa mga kasambahay namin noon sa kusina! Kain ka na. Sana ay magustuhan mo iyang niluto ko." "For sure, magugustuhan ko ito. Luto ito ng misis ko, eh!" "Asus... Bola mo!" natatawa niyang sabi. MABILIS na lumipas pa ang dalawang buwan at talagang ginampanan ni Riya ang pagiging mabuti niyang asawa. Ganoon pa rin noong unang araw kaming nagkasama... Maasikaso, malambing, maaalalahanin at sobrang mapagmahal. Hindi ko inaasahan na sa ikalimang buwan ng pagbubuntis ni Riya ay doon rin mangyayari ang isang pangyayari na makakaapekto sa pagsasama namin bilang mag-asawa. Papauwi na kami noon ni Riya mula sa check-up niya sa ospital. "Ingat sa pagda-drive, Enrico, ha. Tandaan mo na hindi lang ako ang dapat mong ingatan, dalawa na kami," aniya habang nagda-drive na ako. "Don't worry, misis ko. Mag-iingat talaga ako kasi sakay ko ang asawa ko at ang baby namin!" Ngumiti na lang siya. Hinaplos-haplos ko ng kanang kamay ko ang umbok ng tiyan niya. Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata. Nang walang anu-ano ay isang matandang babae ang papatawid sa kalsada. Kinabig ko agad sa kaliwa ang manibela upang hindi ko masagasaan iyong matanda pero mukhang maling move iyon. Malakas na napasigaw si Riya. "Enrico! Babangga tayo!" Huli na para makita ko ang matataas na pader na babanggain namin. Binitiwan ko ang manibela at niyakap ko si Riya upang protektahan siya at ang magiging anak namin. Hanggang sa marinig ko at malakas na collision at ang nakakangilong pagkayupi ng mga bakal!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD