Chapter 6

1249 Words
Nang makauwi sa kanila si Alex ay halos mapatulala pa rin ito at hindi makapaniwala. Hindi pa rin mag-sink in sa utak niya na nagdadalang tao siya. Nagbunga ang kasalanang nagawa niya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magpasalamat na isang kilala at makapangyarihang tao ang nakabuntis sa kanya, o mas lalo lang iyong magbibigay ng sakit ng ulo sa kanya. Isang simpleng buhay lang naman ang gusto ni Alexandra. Pero ngayong mukhang matatali na siya sa isa sa pinakamaimpluwensyang tao sa bansa, hindi niya alam kung tama ba ang desisyon niya na tanggapin ang alok ni Doc. Zacaharias. Iyak pa rin siya nang iyak. Nasasaktan siya. Kung hindi siya gumawa ng mali, 'di sana kasal na sila ngayon ni Triton. 'Di sana, namumuhay na siya kasama ang lalaking pinangarap niya at hindi ang isang babaerong Zachary Luthman ang pakakasalan niya. Napakurap-kurap siya nang maamoy ang pagkain na galing sa maliit niyang kusina. Doon niya lang naisip na baka may ibang tao sa bahay niya. Pero hindi na siya nagulat o kinabahan pa doon. She knows that it's Sandra. Ito lang naman ang madalas na dumalaw sa kanya sa bahay. Sinasamahan siya nito halos sa lahat. Pinuntahan niya si Sandra sa kusina at hindi nga siya nagkamali. Matamlay ang mga mata niya nang ngitian niya ito. "Nag-abala ka pa talaga, Sand." Nagulat si Sandra sa bigla nitong pagsalita. "O, nandito ka na pa la? You are just in time! Pinagluto na kita ng dinner. Ano? Tara kain?" "Salamat, ha," maikli at tipid na sagot niya. Namumutla pa siya. She looks tired and weary. "Bakit ang tamlay mo? May nangyari ba? May nam-bully na naman ba sa 'yo? Tell me. I can report them to Tito Zach!" tila galit na sagot ni Sandra. She is protective kahit noon pa. It seems like she got a sister in Sandra's form. Mapait na napangiti si Alex saka kumawala ang luha sa kanyang pisngi. "I-I-I'm. . ." "Anong nangyari? Tell me!" "I'm p-pregnant," nauutal na sagot ni Alex saka dire-diretso nang tumulo ang luha niya. Wala nang nakapigil pa dito. Gusto niyang pigilan ang paghikbi niya pero wala. Kusa na lang itong kumawala sa bibig niya. Napatakip ng kanyang bibig si Sandra. She gasp. "W-What? S-Sino ang ama? K-Kilala mo na ba?" nauutal at naiiyak na tanong nito. Tumango-tango lang si Alex. "Ang CEO ng kumpanya. A-Ang anak ni Doc. Zacharias." Namilog ang mga mata ni Sandra at hindi makapaniwala. Hindi siya pwedeng magkamali ng dinig. She heard it right from Alex' mouth. "What the hell! Si Zachary?! A-Ang p-pinsan ko?/!" gulat na gulat nitong tanong. Napabuga nang tuluyan si Sandra ng hangin. "Oh no, you're doomed now. Zach is a casanova." Parang si Sandra ang gustong maiyak sa sitwasyon ni Alex. Pero nandito na, at wala na silang magagawa kundi tanggapin ang lahat nang nangyari. "What about Triton? Hindi mo na ba talaga susubukang kausapin pa siya?" Biglang tanong ni Sandra. Napailing iling na lang saka napayuko si Alex. Ano pa ang magagawa niya? Ni hindi nga niya malapitan si Triton kahit na makailang beses na niyang sinubukan. Mas lalong pinamukha sa kanya ng mommy at ng angkan nito na hindi siya karapat dapat sa anak nila. Mas lalo nilang pinatunayan sa kanya na isa siyang basura. Basura na dapat itapon at hindi na kailangang pulutin pa. "I still love him. . .pero, sa tingin ko, kailangan ko munang isipin ang ikabubuti ng anak ko, naming dalawa." Sumasakit na rin ang ulo ni Sandra. "A-Anong sinabi ni Tito Zach? How did you know that Zachary is the father?" Humugot muna ng lakas ng loob si Alex bago siya magsimulang magkwento. "Si Doc. Zacharias ang nag-conduct ng tests sa 'kin. Ang sabi niya ay matagal na rin daw niya akong napa-background check." "Mabait si Tito Zach. I bet he offered to help you?" Mahigpit na napahawak si Alex sa kubyertos sa kanyang kamay. "Hindi ko alam kung tulong ba talaga iyon pero, kailangan kong pakasalan ang boss ko. In that way, sabi niya ay mapapalaki ko ang anak ko nang may magandang buhay saka malilinis ang pangalan ko. Kailangan kong magpakasal kay Sir Zachary, Sandra." Maging si Sandra ay nagdadalawang isip na rin kung dapat bang tanggapin ni Alex ang pagpapakasal kay Zachary. Kilala niyang babaero ang pinsan niya. Walang nagtatagal na babae dito. Saka, parang trial card lang para sa kanya ang mga babae. After ilang days, bago na naman ang pinagkakasawaan nito. Kaya kahit pinsan niya ito, hindi niya maiwasang mag-alala para kay Alex. "Pumayag ka ba kay Tito Zach?" Napalunok ng laway si Alex. Kapit sa patalim niya ito kung maituturing. She has a choice, but Doc. Zacharias' offer is better. Kung kinakailangang isakripisyo niya ang pansarili niyang kasiyahan para sa magiging baby niya ay gagawin niya nang mabigyan niya lang ito ng magandang buhay. "I-I did." "So, tinatanggap mo ang pagpapakasal kay Zachary?" hindi makapaniwalang tanong ulit ni Sandra. Tumango tango lang si Alex. "Bukas ay lilipat na ako sa kanila." "Ang bilis naman?" "Hindi ko ma-hindi-an si Doc. Zach. Gusto niyang masigurado na magiging ligtas ang magiging apo niya." Mabuti na lang talaga at mabait si Doc. Zacharias. Kung hindi dahil sa kanya ay baka hindi na nanagot pa si Zachary sa bata. Ngayon niya lang napag-alaman na babaero pa la ito. Kung minamalas nga naman siya, oo. Kinabukasan, maagang nag-empake si Alex. Dala dala niya muli ang mga gamit niya pababa niya ng kanyang unit. Mag-aabang na sana siya ng taxi nang biglang napansin niya ang isang puting kotse na nakaparada sa labas ng inuupahan niyang maliit na apartment. Kunot noo niya itong sinulyapan. "Kaninong kotse ba itong nasa labas? Mukhang mamahalin. Malabong boarder ang may-ari," aniya sa isipan. Hindi na lang niya ito masyadong pinansin. Halos lumuwa na lang ang mga mata niya nang makita niyang nagbukas ang pinto ng kotseng iyon saka iniluwa ang CEO nila. Si Zachary Luthman. Hindi niya maipaliwanag pero biglang sobrang naging mabilis ang t***k ng puso niya. Aba, Alex, kalmahan mo lang! Boss mo 'yan! G-Guwapo lang 'yan pero babaero! Suway niya sa isipan niya habang nakapako ang tingin niya kay Zach nang nakatulala. "Ano? Are you just going to drool over my handsome face o sasakay ka sa kotse? Gusto mo bang buhatin pa kita? You don't even look like a princess. Not even my type, tsk." Naningkit ang mga mata ni Alex sa sinabi nito. "Ang lakas mo naman talagang mang-insulto, ano?" "Correction, address me with 'Sir' because I am still your boss." Pagdidiin ni Alex. "Wala akong pakialam. Hindi kita boss sa labas ng kumpanya." "Tsk. Ang dami mong satsat. Kung hindi ka sasakay, bahala kang maglakad mag-isa mo. You are wasting my damn time," iritableng sagot ni Zach saka napasulyap pa sa kanyang orasan. Nag-init naman ang ulo ni Alex. Anong sabi niya? Paglalakarin niya 'ko? Aba, bastos 'to ah! Akala mo naman hindi niya anak itong dinadala ko? Bwiset na 'to! Protesta niya sa isipan. Inis na inis si Alex habang nasa loob ng kotse. Buhay pa siya pero sa sobrang inis na nararamdaman niya ay para siyang nasa impyerno kasama si Satanas na ngayon ay nagmamaneho ng sasakyan. "Sasakay rin naman pa la ang dami pang sinasabi. Akala mo naman kagandahan." Reklamo ni Zachary. Pero deep inside, inaamin niya na nagagandahan siya kay Alex. Gusto niya lang talaga itong asarin, well, wala rin naman siyang balak na seryosohin ito kaya why not pagtrip-an niya na lang? "Hoy! Hindi ako bingi! Narinig ko 'yon!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD