Nang makarating sina Alexandra sa mansion ng mga Luthman ay tila nanumbalik na naman lahat ng mapait na nangyari sa buhay niya mahigit isang buwan lang ang nakalilipas. Hindi niya inakala na sa isang simpleng pagkakamali na yon ay mababago ng napakalaki ng buhay niya. Isang buwan pa lang ang nakakalipas pero para sa kanya ay sobrang dami nang nangyari at sa isang kisap mata, nawala ang lalaking pinakamamahal niya.
Naalala niya ang bawat sulok ng mansion na ito kung saan ginanap noon ang party. Naalala niya kung gaano siyang parang tangang nagpakalasing. Naalala niya kung paano niyang pinasok ang kuwarto na sumira ng kasal niya dapat. Wala siyang ibang masisisi kundi ang sarili niya. Everything is her fault.
Hindi niya namamalayan na napaluha na pa la siya.
Natigilan si Zach nang mapansin niya na hindi na nakasunod sa likoran niya ang dalaga. Nilingon niya. "Ano? Magda-drama ka na lang ba diyan?" Puna niya rito.
Mabilis na pinunasan ni Alex ang mga luha niyang tinatraydor siya ngayon. Ayaw na niyang umiyak. Akala niya naubos na sa isang buwan ang mga luha niya pero parang wala pa iyon sa kalahati.
Inis niyang tiningnan si Zach. Napakawalang puso talaga ng isang 'to. Ni hindi man lang siya tinanong kung okay lang ba siya. Kumukulo ang dugo sa kanya ni Alexandra pero kailangan niyang kumalma. Humugot siya ng isang malalim na lakas ng loob para sumunod dito.
"Kanina pa naghihintay si Dad. Ako na naman ang mananagot dahil diyan sa kaartehan mo. Ang dami mo pang arte sa katawan."
Hindi nasagot ni Alex. Ngayong nasa pamamahay siya ng mga Luthman ay kailangan niyang lumugar. Hindi siya dapat basta basta na lang makikipag-argumento kay Zachary dahil alam niya na wala rin naman siyang laban dito. Isa itong Luthman, at siya, isang hamak lang na disgrasyada.
"Good morning to the two of you." Bati ng daddy ni Zachary na si Doc. Zacharias.
"Dad, since nandito na siya, can I go now?" tila atat na atat na wika ni Zachary. Kanina pa kasi siya nababagot. He doesn't find Alexandra thrilling at all. Hindi tulad ng iba niyang mga babae.
"You can't. May kailangan pa akong sabihin sa inyo."
"Sir, diretsahin niyo na po sana ako. Gusto ko na pong magpahinga."
"Okay, let me get things straight to the two of you. Next week will be your intimate wedding. Gusto ko na pag-aralan niyong makasundo ang isa't isa bago ang nakatakda niyong kasal. Although it is an intimate wedding, all of our relatives na may dugong Luthman ay dadalo. Mind you, Zach, they known you as a casanova, at akala nila ay nagbago ka na nga ng tuluyan dahil kay Alexandra since you two are marrying now. Kaya kung may plano ka mang mambabae nang mambabae, I won't tolerate it. Do you understand?"
Gigil na nagtagis ang bagang ni Zach. No girls means life isn't fun at all. Iyon ang pinaniniwalaan niya. Mas madaming babae, mas masaya.
"Mukhang mahirap naman po yatang mangyari iyang gusto niyo. Hindi ko alam kung paanong pakikisamahan ang anak niyong ubod ng sama ng ugali."
Nagsalubong agad ang kilay ni Zachary sa sinabi ni Alex. Nilapitan niya ito. "And you think I like that attitude of yours? Napakaarte mo! Ikaw na nga 'tong inaangat sa laylayan, ikaw pa ang choosy. Tsk."
Nainsulto si Alex sa mga narinig niya. Napakuyom siya ng kanyang kamay at pilit na bumubuntong hininga para pahabain ang pasensya niya. Kung puwede niya lang suntukin 'tong si Zach ay kanina niya pa ginawa. Kung basagin ko kaya ang itlog nito? Tingnan ko lang kung hindi siya mapatalon! Aniya sa isipan.
"Zach, watch your mouth!! Anak mo ang dala-dala niya. Kaya pag-aralan niyong pakisamahan ang isa't isa kahit para man lang sa bata!" Suway ni Doc. Zacharias na agad na nakapagpatahimik sa binata.
Ginalaw ni Zachary ang panga niya para humugot ng pasensya. Labag talaga sa kalooban niya ang mga usaping kasal. Pag-usapan na lang ang business wag lang ang kasal dahil kahit kailan, wala ito sa bokabularyo niya.
Seryosong tiningnan ni Doc. Zacharias ang dalawa. "Dito ka na titira simula ngayon Alex hanggang sa maikasal kayo ni Zachary. We'll clean up the mess you got yourselves into by doing this. For sure, hindi na mag-iinit ang mga mata ng mga tao sa inyo, lalo na sa 'yo, Zach because you are a public figure. Kilala ang pamilya natin kaya bawas bawasan mo ang mga kagaguhan mo." Pagbabanta nito sa anak niya.
Napasinghap na lang si Zach. Hindi na niya nagawang sumagot pa. May masasagot pa ba siya sa Daddy niya? Kapag nagsalita na ito, kabahan na dapat siya.
"May iba ka pa bang sasabihin, Dad?" sarkastiko na sabi nito.
"Wala na, pero ihatid mo si Alex sa magiging kuwrato niya. Assist her in her needs inside the house. Kailangan mong maging responsable dahil magiging Daddy ka na soon, Zach."
Napayuko si Alex. Paano niya masusuksok sa kokote niya na ito na ang reyalidad ngayon? Na hindi ito ang pangarap niya. Hindi ito ang plano niya. Dahil ang kaisa-isang lalaking nais niyang pangakuan ng panghabang-buhay, hindi na siya tinanggap at hindi niya ito masisisi o mapipilit man lang.
"Is this a favor or--"
"This is rather a command, son."
Napa-tsk na lang si Zach saka kinuha ang mga dalang gamit ni Alex kahit labag iyon sa kalooban niya.
"Enjoy your stay here at the Luthman's mansion, Ms. Espinosa. I am glad that you will soon be part of the family."
Kung minalas man si Alex sa halos lahat ng bagay, masasabi niya naman kahit papaano na sinuwerte siya kay Doc. Zacharias lalo na sa pagiging supportive nito, Tama nga ang naririnig niya patungkol dito. Mabait si Doc. Zach at mukhang hindi nga iyon namana ng anak niyang si Zachary na walang ibang inisip kundi ang sarili lang.
"Next time, don't carry too much things. Hindi ka si wonder woman." Inis na singhal ni Zach habang hindi magkandaugaga sa mga bagahe ni Alex.
"Ano bang pakialam mo sa kung anong gusto kong dalhin?"
"Gamit ba talaga ang lahat ng 'to o basura? Tsk." Reklamo pa ni Zachary.
Gustong gusto na talaga itong suntukin ni Alex habang nakatalikod ito pero pilit niyang pinipigilan ang sarili niya. Nakaka-highblood talaga ang animal na 'to. Kung anong kinabait ng ama ay kinasama ng ugali niya! Protesta ni Alex sa kanyang isip.