Nakabusangot si Alexandra habang nilalagay sa kanyang malaking walk-in cabinet sa loob ng kwarto ang mga damit niya. Ano'ng sabi niya? Mga basura lang itong dala ko? Bwiset talaga ang lalaking 'yon. Manganganak yata ako sa kanya ng wala sa oras! Inis na inis na aniya sa isipan habang iniisa-isa ang mga damit na dala-dala niya. Masyadong malaki ang kuwarto para lang sa kanya. Masyadong malungkot. Napakalungkot naman talagang mag-isa sa ganito kalaki at kagarang bahay. Pakiramdam niya ay mabibingi siya sa katahimikan nito.
Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng sunod-sunod na katok sa pintuan. "Ma'am, Alexandra. Kakain na raw po. Tara na po sa baba." Yaya ng isa sa mga katulong. Alam na alam agad niya iyon dahil ang mga katulong lang ang natawag ng ma'am sa kanya kahit pakiramdam niya ay hindi naman siya karapat-dapat na tawagin ng gano'n. Para sa kanya, parehas lang silang mga ordinaryong tao na walang mataas na antas sa lipunan.
Napatigil siya sa pagtutupi ng kanyang mga damit. "Opo, Manang. Susunod po ako. Salamat!" maagap na sagot niya sabay buntong-hininga. Hindi niya gustong makasamang kumain sa isang hapag si Zach but does she have a choice? Wala. Wala siyang choice kundi makisama kahit na suntok sa buwan yatang mangyari na magkasundo silang dalawa.
Nang makababa siya ay kamuntik pa siyang maligaw. Sa sobrang laki ba naman ng bahay, hindi na niya alam kung saan dadaan. Bahay ba talaga 'to o labyrinth? Wika pa niya sa isipan. Mabuti na lang at may nakasalubong siyang isang katulong. Mapapanot na yata siya kaiisip kung saan ang daan.
"Ah, Manang! Sandali po hintayin ninyo ako!" aniya saka siya napatakbo papunta sa kinaroroonan nito.
"Naku, Ma'am! Huwag kayong tatakbi! Diyos ko! 'Yung bata ingatan ninyo!" tila ninenerbyos na wika ng matanda.
Ay oo nga pa la! Halos makalimutan na niya na isang buwan na nga pa la siyang buntis. Hindi pa kasi niya masyadong maramdaman dahil medyo may kaliitan at hindi pa halatang buntis siya. Pero tama nga naman ito. Kailangan niyang mag-ingat dahil isang maselan na usapin ang pagbubuntis.
"Mag-iingat po kayo. Ingatan niyo po ang bata at baka malagot tayo kay senyorito."
"H-Ho? Bakit?" nagtatakang tanong niya.
"Binilin niya kasi sa amin na bantayan ka, Ma'am. Kapag may nangyari daw kasi sa inyo, damay ang bata pati sya ay malalagot."
Iyon naman pa la. Akala ni Alex ay concern na si Zach o ano. Psh. Ayaw lang pa la na madamay siya kapag nagkataon. Hmp! Napanguso na lang tuloy siya ng tuluyan at halos sumayad na nga ang nguso niya sa lupa habang nakasunod siya sa katulong papuntang kusina.
"You are finally here. Thanks for joining us. Ito ang pinaka-unang dinner natin together, Ms. Espinosa." Ang daddy ni Zachary ang nagsalita.
Nahihiyang napatango tango na lang ang dalaga. "Maraming salamat, Doc."
"Maupo ka. Enjoy the food. We have prepared healthy foods especially for a pregnant woman like you. Si Zach ang namalengke niyan."
Tila nabingi si Alex. No way this man is going to buy groceries! Aniya sa isipan. Wala sa mukha ni Zach na mamimili ito 'no. Nuknukan ba naman ng arte? For sure, magdamag itong nagrireklamo sa grocery store.
"P-Po? Mukhang mahirap naman pong paniwalaan," sarkastikong sagot niya saka pinandilatan ng mga mata si Zach.
He just smirked at her. "Tsk. As if gusto kitang ipamalengke? I was forced to!" padabog na sagot nito.
Labag sa kalooban naman niya talaga ang pagbili ng groceries kanina. Pero dahil daddy niya ang nagsabi, wala siyang nagawa kundi sumunod. Takot niya lang, ano.
"Zach, lower your voice. Nasa harapan tayo ng pagkain," maotoridad na ani Doc. Zacharias.
Natikom ang bibig ng binata saka inis na lang siyang humiwa ng steak saka kumain. He didn't eat a lot like the usual serving ng pagkain niya. Wala lang talag siyang gana ngayon. Lalo na kapag naaalala niya ang sinabi ng daddy niya na hindi na siya nito hahayaan na mambabae. Hah! As if. Mapipigilan niya ako sa lahat ng bagay pero sa pambababae? I can find ways. Aniya sa isipan habang binubuhos ang lahat ng sama ng loob niya sa steak.
"Balak mo bang gawing giniling iyang steak? Durog na durog na." Puna ni Alex.
"Paki mo? Ikaw nga, padahon dahon ka lang diyan." Pag-iinggit ng binata sa kanya.
Napatingin tuloy si Alexandra sa mga dishes na nasa harap niya. Ibang dishes ang kinakain niya. Halos lahat ay may maberdeng gulay at kaunting meat. Hindi na masama dahil halata namang susyalin ang pagkakaluto at isa pa ay sanay naman siya sa gulay. Mamahalin nga lang itong gulay na nasa harapan niya ngayon at minsan niya lang matikman kaya hindi siya dapat mag-aksaya.
"And so? Masarap pa rin naman. At para din naman 'to sa magiging anak ko."
Tiningnan siya ng masama ni Zach. "Anak ko!"
"Tsk. Anak niyo pareho. Can you two shut up? Para kayong mga aso't pusa kung magbangayan. You are of age now. Kaya nga ninyo nagawa ang bagay na 'yon. So, better quit arguing and build a stronger relationship with each other."
Natahimik silang dalawa. Gustong masuka nilang pareho sa pinagsasabi ni Doc. Zacharias. Hindi nila masikmura ang mga sinabi nito. Para na rin silang sinuka ang isa't isa pero kinain pa rin kapag ganoon ang nangyari. Malabo. Malabo sa ngayon na mas maging close silang dalawa. Never. Hindi ma-imgagine ni Zach lalo na ni Alex na mangyayari ang araw na 'yon.
Napatayo silang dalawa. "Never!" sabay pa nilang sigaw.
Napailing-iling na lang si Doc. Zach sa katigasan ng ulo nilang dalawa. Hindi niya alam kung paano niyang pagdidikitin ang mga ito. Hindi niya alam kung anong gagawin niya para maging maayos ang pakikitungo nila sa isa't isa lalo pa ngayon na nasa isang bahay na sila. Mas malaki ang chances na magkaayos sila pero mas malaki pa rin talaga ang chances na magkaroon sila ng mas malalaki pang away in the near future.
"I said shut up!" singhal ni Doc. Zach.
Mas nakakatakot pa lang talaga magalit ang mga mababait. Sumisigaw na lang bigla.
After a few seconds, balik na agad sa pagiging kalmado ang doctor. Wala lang. Gusto niya lang talagang takutin ang dalawa at mukhang effective dahil parehas silang namutla.
"From now on, ikaw Zach, you need to take care of the things na kailangan ng magiging asawa at anak mo. Kailangan niya ng alalay sa pagbubuntis niya at ikaw iyon."
Gustong takpan ni Zach ang tenga niya. Tsk. Hirap na nga siyang makisama kay Alex, lalo pa kaya kapag umalalay na siya dito? E, 'di mas lalong magunaw ang mundo nilang dalawa.
"Dad, I am a newly appointed CEO. You think I can take care of both? How about the company?"
"If course you can take care of the company while taking care of your soon to be wife. Hindi mo naman kailangang maging nasa tabi niya twenty-four seven."
Napatiim-bagang ang binata.Hindi siya nakasagot.
"Actually, Sir. Kaya ko naman po ang sarili ko. Hindi naman po ako disabled. Hindi rin naman po ako sakitin. I can surely take care of my own."
"Isa ka pa, Ms. Espinosa. Iyang pride mo ang maglalaglag sa 'yo. Why don't you just sit as we do the things for you? Para ito sa ikabubuti mo at ng magiging anak mo na isang Luthman. Every Luthman blood is a gift. Hindi namin iyan dapat aksayahin dahil sa dugong Luthman, wala halos nakakabuo. Most of our relatives are sterile kaya ngayon, naiintindihan mo na ba kung bakit gano'n ko na lang kung habulin ang dinadala mo?"
Napatulala na lang si Alex habang pilit na pinagsi-sink in sa kukote niya ang lahat. So, pinagpala pa rin talaga si Zach dahil nabuntis niya ako gano'n ba? Pagkatapos ng lahat lahat, they still do consider this pregnancy as a gift dahil bihira lang makabuo ang mga Luthman? Woah. Pambihira! Hindi makapaniwala si Alex sa mga natuklasan niya.