Chapter8

2023 Words
Kinaumagahan, maagang nag-ayos si Alex para pumasok sa trabaho. Maliit pa man din ang tiyan niya. Kaya pa niyang magtrabaho. Pakiramdam niya kasi ay mas magkakasakit siya lalo kapag namalagi lang siya sa bahay na walang ginagawa. Better go to work nang mapakinabangan naman siya ng mga Luthman. Pagdating doon ay halos suriin na naman siya ng tingin mga kasamahan niya sa trabaho. Mula ulo hanggang paa kung makatingin ito sa kanya. Akala niya ay makakaligtas na siya sa mga mapangmatang mga tingin ng mga ito, pero nagkakamali siya. Hindi na nga yata sila natatapos sa pangungutya sa kanya. Wala bang katapusan ang lahat nang mga ito? "Ang kapal talaga ng mukha niya ano? Pagkatapos niyang duro-duruin ang CEO natin noong nakaraan? Papasok siya dito na taas noo at parang walang nangyari? Oh my gosh, nakakahiya!" sabi ng isa. "Oo nga, dai! Makapal talaga. Ewan ko nga rin kung bakit gano'n na lang ang lakas ng loob niyan na pumasok pa pagkatapos nang lahat lahat," rinig pa niyang sinabi ng isa sa mga kasama ng babae na pinag-uusapan siya. Nakasalubong niya ang isa niyang kasamahan sa opisina. Medyo kinakabahan na naman siya lalo pa at pasan pasan na naman nito ang sandamakmak na mga papeles habang nakangisi ng masama sa kanya. Iba ang kutob niya rito. Mukhang siya na naman ang pagagawin ng lahat ng mga iyon. "Ehem," wika ng babae na katrabaho niya. Tumigil ito sa paglalakad at huminto sa kanyang harapan. Natigilan si Alex. Ano bang iniisip nito? Aniya sa isipan. Tatalikuran na sana niya ito pero bigla itong nagsalita. "At saan ka pupunta, b*tch? Ikaw na ang gumawa nitong mga paper works na 'to tutal kasing kapal naman nito ang mukha mo." Hindi nakagalaw si Alex. Napakuyom na lang siya ng kanyang palad. Nagsisimula na naman sila. Heto na naman sila. Nag-iinit na siya at kumukulo na agad ang dugo niya kahit kapapasok niya pa lang. Umagang-umaga, sinisira na agad ng mga ito ang mood niya. Bumuga na lang siya ng hangin saka tinanggap ang mga papeles na iyon. Ayaw niya ng gulo. Ayaw niyang ma-stress at baka maapektuhan pa ang magiging kondisyon ng baby niya. "Here!" nakangiting wika ng babae. Sa lapad ng ngiti nito ay halos mapunit na iyon. Padabog niya itong pinatong sa mga kamay ni Alex dahilan para magkandahulog ang mga ito. Mariing napapikit si Alex para humugot ng mahabang pasensya. Nakailang buntong-hininga na nga siya para lang tiisin ang lahat ng ito. Pero nagulat siya nang bigla siyang sigawan ng katrabaho niya. "Ano ba, Alex?! Kasimple-simpleng pag-abot niyan hindi mo pa magawa ng maayos?! Lampa ka ba talaga, o sadyang tatanga tanga ka lang? Palibhasa, walang ibang laman iyang utak mo kundi panlalandi, e.!" singhal nito sa kanya. Kagat-lagat ni Alex ang labi niya at pinipigilang sumagot. Pilit niyang kinakausap ang sarili niya at kinukumbinsi na habaan ang pasensya. Na hindi siya dapat magpadala sa sama ng loob. Hindi na siya dapat sumagot pa dahil baka lumala lang ang lahat lalo pa at wala siyang kakampi dito sa opisina. Natatarantang pinulot ni Alexandra ang mga papeles na iyon sa sahig. "Sorry," tanging lumabas sa bibig niya kahit alam naman niya sa sarili niya na wala siyang kasalanan. Kung meron man, sila iyon. Sila iyong mga mapanghusga niyang mga kasamahan sa trabaho. Minsan napapaisip na lang talaga siya kung ano ba ang nagawa niyang mali at ganito ang mga ito sa kanya. Wala naman siyang ginawang masama sa kanila. Gusto lang naman niyang magtrabaho at magsimulang ulit pero paulit-ulit na pinapaalala ng mga ito sa kanya ang kasalanang nagawa niya. Pero imbes na tulungan siya ay pinagtawanan pa siya ng mga employee na nasa loob ng opisina. Pinagsisipa pa ng kasama niya ang mga papeles na iyon na maayos sanang gustong pulutin ni Alexandra. "Ayan, pulutin mo ang lahat nang 'yan dahil diyan ka naman nababagay. Sa sahig, tinatapaktapakan!" singhal nito sa kanya. Wala silang kamalay-malay na nagmamasid pa la si Zach mula sa isang gilid at kanina pa niya naririnig ang lahat. He took two steps palapit sa kinaroroonan ni Alex saka siya nagsalita. "Ano sa tingin mo ang pinagsasabi mo sa magiging asawa ko, Lily?" maanghang na tanong ni Zach. Seryoso itong nakatingin kay Lily na kulang na lang ay patayin niya ito sa mga tingin niya pa lang. Lily was stunned. Para siyang binuhusan ng asido sa kinatatayuan niya at unti-unti niyang naramdaman ang hapdi at sakit niyon. Sh*t. Si Sir Zach. He is here at narinig niya ang lahat ng mga sinabi ko? Natataranta nitong wika sa kanyang sarili. Biglang nagsi-atrasan ang iba pang mga employee na pinagtawanan at tiningnan lang si Alex. Halos manlamig silang lahat at patay malisyang nagsibalikan sa kani-kanilang mga trabaho. "S-Sir, mali ang i-iniisip mo. H-Hinulog niya iyan! B-Binangga niya ako!" Pagsisinungaling pa ni Lily, hoping na makalusot ang alibi niya dahil alam niya na hindi naman ipagtatanggol ni Alex ang sarili nito. Pero nanginginig na si Lily sa totoo lang. Kung titingna kasi si Zach ay para itong lulunok ng buhay. "At sinasabi mo na bingi at bulag ako? Sa lahat ng ayaw ko sa kumpanya, Lily, iyon ay ang mga sinungaling. Who do you think you are para pagsabihan siya ng gano'n? Are you that clean? Holy water ba ang pinaliligo mo para malinis araw-araw ang kaluluwa mo? Don't you even make mistakes para magsabi ka ng ganyan sa iba?" Galit na galit na nilapitan ni Zach ang nanginginig na takot na si Lily. Para itong daga na walang mapasukang lungga. Isa lang ang alam niya, mukhang katapusan na nga niya. "Mess around with anyone, but not with my future wife!" sigaw ni Zach na umalingawngaw sa buong second floor. Dinig iyon ng lahat dahil masyadong enclose ang space sa loob. Halos hindi makapaniwala silang lahat sa mga narinig nila. At narinig pa nila ito mismo sa bibig ni Zach. Who are they not to believe kung mismong si Zach na ang nagsabi? "O-Opo. S-Sorry, S-Sir! S-Sorry!" "Shut up!! Hindi ka sa akin dapat magpaliwanag!!" Hindi makapaniwala si Alexandra sa mga naririnig niya ngayon. Totoo ba ito? Did he just save her? Mukhang hindi kapani-paniwala na si Zach ngayon ang nagtatanggol sa kanya mula sa pangungutya ng iba gayong, siya nga itong lagi siyang inaaway sa bahay. Gusto niyang matuwa pero iniisip niya na baka parte lang din ito ng mga kailangang matutunan ni Zach dahil magiging mag-asawa na sila. Baka nga acting niya lang din ito dahil ito ang bilin ng daddy niya, ang alagaan si Alexandra. Mabibigat ang bawat hakbang na tinahak ni Lily palapit kay Alexandra. Labag talaga sa kalooban niya ang humingi ng tawad dito sa mga nasabi niya. Ayaw niya sa totoo lang pero kailangan dahil lang sa nakatingin si Zach sa kanila. Tiim bagang ito na nagsalita, "S-Sorry, A-Alex," labas sa ilong nitong sinabi. Sasagot pa sana si Alex at ibubuka niya pa lang ang kanyang bibig nang biglang magsalita si Zach. "Very good, Lily. You are now fired," malamig nitong sabi saka niya hinigit si Alexandra palayo doon. Hindi makapaniwala si Lily. Nanigas siya sa kinatatayuan niya. Halos gumuho ang mundo niya sa mga sinabi ni Zachary. She is fired! Wala na siyang trabaho kung gano'n. "S-Sir!! No! P-Please, don't fire me! I am so sorry!" mangiyak ngiyak na sigaw ni Lily pero hindi na siya nilingon pa ng binata. He pretended not to hear anything. Ayaw niyang makarinig ng paliwanag ng isang basura. Ayaw niyang aksayahin ang oras niya dito. Kung wala itong maidudulot na maganda sa kumpanya, then, kailangan na nitong mawala. Hindi niya kailangan ng mga empleyadong puro satsat at kaunti ang gawa. Dinala ni Zach si Alex sa opisina nito. Doon, pinaupo niya ito saka binigyan ng tubig na maiinom. Napa-smirk si Alex. Sinasapian ba itong si Zach? Tsk. Kunwari pa. Akala mo naman, hindi niya ako iniinsulto, e siya nga rin itong number one. "Ano bang pumasok sa isipan mo at pumasok ka pa?! Ha?! At isa pa, don't you even know how to fight back?! Hahayaan mo na lang silang gawin sa 'yo 'yon? Gano'n ba, Alex?" Tiim-bagang na tiningnan siya ng masama ni Alexandra. "Sa tingin mo ba gusto ko rin ang ginagawa nila sa 'kin?! Nakakapagod! Nakakapagod ang gano'n araw-araw pero ayaw ko ng gulo! At kapag umangal ako, kapag pinatulan ko pa, para ko na ring dinagdagan ang apoy! Ayaw ko ng away, Zach." Pagpapaliwanag niya sabay iwas ng tingin sa ibang direksyon. "Hindi mo rin ba iniisip ang magiging anak ko?! Dala dala mo ang bata! You should have stayed at home! Hindi mo na kailangang magtrabaho dahil pera naman namin ang ginagasta namin sa 'yo at sa bata! Bakit ba ang taas taas ng pride mo?! Kung gusto mong ipahamak ang sarili mo, gawin mo nang hindi madadamay ang bata!" Pangaral pa ni Zach sa kanya. "And you think kailangan ko ng pagliligtas mo kanina? Now, mas lalo mo lang silang binigyan hg dahilan para mas apihin ako!!" "You think, I would let that happen?! Huh?" Parang kuting na napayuko si Alex. So, ibig sabihin ba ay hindi niy hahayaan pa na may mang-alipusta pa ulit sa akin? Sa amin ng magiging anak niya? But why does he sound so concern? O, baka masyado lang akong nag-assume. Aniya sa isipan. "Kung kinakailangan kitang protektahan para sa bata, gagawin ko. After all, tama naman si Dad. You are carrying a Luthman--my child. I need to protect you as much as I do for my child." Hindi maipaliwanag ni Alex kung ano ang mararamdaman niya. Matutuwa ba siya, o ano? Pero ayaw niya munang magpadala sa mga salitang ganito. For sure, ginagawa lang ito ni Zach dahil ito ang responsibilidad na nakaatang sa balikat niya. Kahit sino naman siguro ay gagawin ito kung sila ang nasa posisyon. Hindi siya dapat na mag-assume ng mga bagay-bagay. Ilang segundo pa silang natahimik bago muling nagsalita si Zach. "Are you okay now? Ano ang nararamdaman mo?" sunod sunod na tanong nito. Pakiramdam tuloy ni Alex ay ibang tao ang kaharap niya ngayon. Parang hindi si Zach. Gusto niya itong hawakan sa leeg at sa noo para i-check kung nilalagnat ba ito dahil bigla bigla siyang nagiging kalmado at concern. Hindi na nakasigaw. O, baka naman may masama 'tong nakain? "O-Okay lang ako. Hindi naman ako napano," maiksing sagot ni Alex. "Ipasusundo kita dito kay Sandra. Umuwi ka at magpahinga. Huwag ka nang babalik pa dito kahit para man lang sa bata. And don't worry, ako na ang bahalang magbigay ng disciplinary action sa mga empleyado ko." Natigilan si Alex. "Huwag mo na silang bigyan ng parusa." Nagsalubong naman agad ang kilay ni Zach sa mga sinabi nito. "I don't need anyone's opinion, Alex. I decide on my own. Hindi ko kailangan ng opinyon mo. I will punish them for their misbehavior. Huwag mong masyadong isipin na pinagtatanggol kita." Pagkaklaro pa nito. Napairap tuloy si Alex saka niya ito sinamaan ng tingin. E, 'di huwag! Hmp! Akala ko naman naging mabait na. Baka nga tinamaan lang ng hangin. Psh. Wika ni Alex sa kanyang isipan. "Ayusin mo ang sarili mo. Baka isipin ni Sanrda, anong ginagawa kong masama sa 'yo. Psh." Reklamo pa ni Zach. Kahit labag sa kalooban niya ay naglabas ng hair brush si Alex saka niya sinuklay ang mahaba niyang buhok. Kulay light brown iyon at natural lang din katulad ng hazel brown colored niyang mga mata. Bumabagay sa kutis niya. Lalo siyang pumuputi tingnan. Hindi maiwasang mapatingin ni Zach si Alex habang sinusuklay nito ang kanyang buhok. Lalo na kapag sumasayaw sa hangin ang buhok nitong makintab. Lakas makadagdag ng kagandahan niya. Nang mapansin niya na napapatitig na siya sa dalaga ay mabilis niyang iniwas ang kanyang tingin. No! You can't like her. Hindi. Pilit na sinasabi niya sa kanyang sarili. He can't just like anyone. Kaya nga siya paiba-iba ng babae at hindi siya nawawalan no'n. Ayaw na niyang magseryoso. Kaya lang naman siya pumayag sa kasal ay para sa anak niya at para na rin sa magiging mana niya. Hanggang do'n lang 'yon. Hindi pa pinapanganak ang babaeng magpapatibok ulit ng puso ko. Aniya sa isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD