Simula.
PANIMULA)
"What?Papa, you can't do this to me!Lahat ng utos mo ay sinusunod ko!Hanggang sa pagpili ba naman ng mapapangasawa ko kayo pa rin ang mag di-desisyon!"
Hindi na niya maitago ang galit sa sariling ama ng mga uras na iyon. Sa simula't sapol ay sunod sunuran siya sa ama sa lahat ng mga gusto nito.
At ngayon nga ay hindi siya makapaniwala na pati sa pagpili ng makakasama niya sa buhay ay dapat ito pa rin ang pipili at masusunod.
"Stop this argument Cindy!It's final!mag papakasal ka sa ayaw at gusto mo!"
Anang kanyang ama sa mautoridad na boses. Saka tuluyan siyang iniwan sa napakalaking sala ng kanilang bahay. Halos mangilid ang kanyang luha dahil sa mga narinig. Buong buhay niya ay tanging ama lng niya ang nasusunod. Lahat ng sinasabi nito sa kanya ay dapat niyang sundin.
Pakiramdam niya ay isang ibong naka kulong sa hawla.Nag iisa lang syang anak ng kanyang papa at mama. At kinikilala ang pamilya nila dito sa Ilo ilo bilang nag mamay ari ng mga nag lalakihang beach resort at malawak na lupain.
Nang dahil sa sama ng loob sa ama ay nag pasya na lamang siyang pumunta sa dalampasigan. Iyon ang madalas niyang gawin ang magpalipas ng sama ng loob sa ama na sa tanan ng buhay niya ay ito na halos ang nag di-desisyon para sa kanya. Alas singko na ng hapon kaya kita niya ang papalubog na haring araw. Naupo siya sa paburitong spot kong saan madalas niyang puntahan kapag ganon masama ang loob sa ama.
Malalalim na pag buntong hininga ang kanyang pinakawalan.Hanggang kailan sya magiging sunod sunuran sa ama?Sa lahat ng gusto nito para sa kanya. Kahit ang kanyang mama na si Doña Ellinor ay walang magawa sa kanyang papa. Sunod sunuran din ito.
Dumampot si Cindy ng bato at inihagis iyon sa dagat. Ganon ang madalas niyang gawin. Kapag hindi sila maayos ng kanyang ama. Doon niya inilalabas ang sama ng loob sa pag hahagis ng bato sa dagat.
"Kay lupit mo Papa!.I hate you!Mula pag kabata,lahat ng gusto mo sinunod ko!!Pero bakit!?bakit hanggang sa pagpili ng lalaking makakasama ko sa buhay dapat ikaw ang pumili!?Bakit!!?"
Nagdaramdam niya sabi habang inihahagis ang isang bato sa dagat. Walang patid ang kanyang pagluha.Oo anak mayaman siya. Nasa kanya na lahat ng materyal na bagay. Pero tila may kulang sa kanya. Kakulangan ng kalayaan. Dahil para siyang robot na sunod sunuran sa bawat sasabihin ng kanyang amang si Don Miguel.
Pinahid niya ang mukhang luhaan saka tumayo sa pagkaka upo sa malaking bato. Habang binabaybay niya ang dalampasigan pabalik ng kanilang mansyon ng biglang naalis ang sintas ng kanyang suot suot na sandals. Napatungo siya para ayusin at muling itali iyon. Matagal na nasa ganon syang ayos. Nang napansin niya na may tao sa mismong harapan niya. Napatingala siya para tingnan kong sino iyon.
Ngunit ganon na lang ang panlalaki ng mata niya ng sa pagtingala niya ay kita niya ang lalaking naka tayo sa kanyang harapan at naka titig ito sa parteng dibdib niya. Agad syang napatayo at agad na tinakpan ng kanyang kamay ang parte ng kanyang dibdib.Isang malaking white t-shirt lang ang suot niya. Maluwang iyon sa kanya. Kaya sigurado syang kitang kita nito ang kanyang pang loob na bra habang sya ay naka yuko kanina.
"How dare you!Sinisilipan mo ba ako!?"
pagalit na sita niya sa lalaking may katangkaran at may kaputian.Hindi naka ligtas sa kanya ang gwapo nitong mukha. At ang labi nitong halos mag kulay rosa ay napaka perfect. Sa tantiya niya ay dayo ito sa kanilang lugar dahil noon lng niya nakita ang lalaking iyon. Halos lahat ng nagagawi sa dalampasigan na iyon ay kilala siya at kilala din niya.
"Excuse me,miss?"Hindi kita sinisilipan.Walang masisilip sayo. Saka wala akong interest sa babaeng flat, na katulad mo."
saad nito sabay lagay ng dalawang kamay sa bulsa.
Mas lalong nag init ang kanyang ulo dahil sa narinig mula sa binatang nakagising nakatingin sa kanya. Sya flat?Abat ang lintik na mukhang bisugo na to!Di lang manyak kundi wala pang ka filter filter ang bibig!
Tuluyan na niyang hinubad ang suot suot na sandals saka walang sabi sabing ibinato iyon sa binatang kaharap.
"Hoy lalaking manyak,na mukhang bisugo!para sabihin ko sayo,hindi ako flat!"
galit na sagot niya sa lalaking nakangiti at tila nag i enjoy sa pang aasar na ginagawa sa kanya.Ni hindi man lang yata nito ininda ang kanyang ginawang pag bato rito kahit na tinamaan niya ito .
"Owwws.... really?I don't see anything na umaalog alog diyan sa dibdib mo. Saka miss, wag kang assuming, wala akong interest diyan sa mala pader mong dibdib. Do you know my type?Iyon bang mga babaeng sexy,malaki ang hinaharap at higit sa lahat malaki din ang..."
Ibinitin nito ang iba pang sasabihin saka nakangising tumingin sa kanyang ibaba. Nanlaki ang mata niya hindi dahil sa sinabi ng lalaki kundi dahil sa ginawa nitong pagtingin sa kanyang pang ibaba. Agad niyang inayos ang suot suot na white t-shirt. Hinila niya iyon pababa.
Nang gagalaiti niyang inalis ang isa pang pares ng kanyang sandals at ubod lakas na ibinato sa lalaki.
"Di ka lang manyak, kundi bastos!Bwesit ka!"
Halos umusok at lumaki ang butas ng kanyang ilong dahil sa lalaki. Hindi halata sa mukha nito ang kapilyuhan.Kita niyang napangiwi ang lalaki dahil sa ginawa niyang pag bato dito. Tinamaan lang naman niya ang pagka lalaki nito.
"s**t!Are you out of your mind?Balak mo ba akong baugin!"
saad nito habang hawak hawak ang sariling pang ibaba. Nanlilisik ang mga matang tiningnan niya pabalik ang lalaki.
Saka parang batang benelatan niya ito.
"Buti nga sayo!At sana nga mabaog ka! para hindi na dumami pa ang lahing manyak na kagaya mo!"
saad niya sa lalaking namimilipit sa sakit dahil sa ginawa niyang pag bato dito.Akma syang hahawakan nito ngunit mabilis na pag takbo ang kanyang ginawa. Dahil sa ginawa niyang iyon ay di na niya nagawang damputin ang dalawang pares ng kanyang sandals. Kaya naman naka paa sya habang binabay bay ang dalampasigan.
Nag aagaw dilim na ng makarating siya ng kanilang mansyon na bahay. Pabagsak niyang isinara ang pinto.
"Susmaryosep na bata ka!Balak mo bang sirain ang pinto!?"
si Yaya lucing na kasa kasama na niya ng mahabang panahon sa kanilang bahay. Ito na ang nag alaga sa kanya simula pag kabata. Dahil naging busy din ang kanyang mama sa kanilang negosyo nong panahong nasa murang edad pa lang sya.
At itinuturing na rin niya itong pangalawang Ina. Ito pa nga ang mas madalas na takbuhan niya ng mga problema sa ama. Dito rin niya sinasabi kung gaano kasama ang loob niya para sa amang walang alam kundi ang iparamdam sa kanya na para syang isang robot na sunod sunuran sa mga gusto nito.
"Kainis kasi,Nay Lucing,May manyak na lalake doon sa spot na paborito kong puntahan dyan sa may baybayin."
sagot niya dito.Na bakas pa rin ang galit at inis sa kanyang mukha. Tinungo niya ang kusina para kumuha ng maiinom. Ka sunod parin niya si Nanay lucing.
"Abay sino naman ang mag lalakas loob na mag tungo roon?Halos mga kilala naten ang mga taong pumupunta dyan sa baybayin."
sagot ng matanda habang ikinukuha sya ng tubig na maiinom.
"I think hindi sya taga rito Nay,Kasi ang mukha ng manyak na iyon ay ngayon ko lng nakita dito sa San Isidro."sagot niya dito nang maka tapos sa pag inom ng tubig.
"Baka nga iha. Sya maligo kana at maya-maya ay darating na ang iyong ama't Ina. Nang sabay na kayong mag hapunan."
Napa irap siya sa mga sinabi ng matanda. Saka dire -diretsong umupo ng dining table.
"Nope.. Nay Lucing. Mauuna na po akong mag hapunan. Baka mamaya kung anu- ano na naman sabihin at ipag -utos sa akin ni Papa. Baka mawala pa apatite ko, di pa ako makakain."
saad niya na bakas sa tuno ng kanyang pananalita ang labis na sama ng loob para sa ama. Kung minsan kasi kapag nakakasabay niya sa hapag kainan ang ama. Wala itong bukang bibig kundi ang tungkol sa kanilang negosyo. Sa kanilang mga ari-arian. At nawawalan sya ng gana sa pag kain bagay ganoon ang kanyang ama. Ang gusto lang naman niya ay maghapunan na walang kahit na anong marinig tungkol sa mga negosyo nila.
Minsan naiisip niya na mas gusto pa niya ang simpleng pamumuhay.Iyong malaya at nagagawa ang gusto sa buhay. Oo nasa kanya na ang lahat. Pero sa tuwing Nakaka kita sya ng kasing edad niya na nagagawa ang gusto . May inggit syang nararamdam.
Minsan ay nauusal niya na sana ay naging mahirap na lang sila. At baka sakaling hindi ganon ang trato sa kanya ng kanyang Papa. Baka nagagawa pa niya ang mga bagay na gusto niyang gawin sa buhay.Malalim na pag buntong hininga ang kanyang ginawa. Naramdaman niya ang kamay ni Nanay Lucing na hagya ang pag hagod sa likod niya.
"Nak, intindihin mo na lang ang iyong Papa. "saad nito habang hinahagod nito ang kanyang likod. Mapait na pag ngiti ang kanyang ginawa sa matanda.
"Kailan ko ho ba hindi inintindi ang papa, Nanay Lucing?Alam n'yo mula pagka bata pa lamang ay sunod sunuran na ako sa kanya. Lahat ng inuutos niya sa akin sinunod ko. Ultimo kahit sa pagkuha ko ng kurso nong nag-aaral pa ako sa kolehiyo siya din ang nasunod."
malungkot na sagot niya sa matanda. Kasabay noon ang pag patak ng kanyang mga luha.
"Para akong bilanggo Nay,Wala akong kalayaan kay papa.At alam ninyo iyan."dagdag pa niya habang umiiyak. Malalim na pag buntong hininga ang ginawa ng matanda saka niyakap si Cindy.
"Sya mauna ka ng kumain kung iyon ang gusto mo. Teka laang at ipag hahanda na kita ng makakain."
Saad nito na bumitaw sa pag kakayakap sa kanya. Tanging pag tango lang ang kanyang ginawa at sinundan ng tingin ang matandang nag simula ng mag hain.
***
Habang nag papahinga siya sa terrace ng kanyang kwarto ng mapadako ang kanyang tingin sa baybayin kung saan sya nang galing kanina. Tanaw na tanaw niya ang dagat mula sa mala mansyon nilang bahay. Mataas kasi ang lugar na kinatitirikan ng kanilang bahay. Sabi ng kanyang mama pinasadya daw iyon ng kanyang papa dahil nga sa magandang tanawin nito roon.Isang malalim na pag hinga ang kanyang ginawa saka napa isip sa kagustuhang mang yari ng kanyang Papa.
Ang ipakasal siya sa taong ni minsan man ay hindi pa niya nakikita.Pakiramdam niya sa tuwing maiisip iyon ay naninikip ang kanyang dibdib. Paano siya mag papakasal sa taong hindi niya mahal!
Nasa ganoon siyang pag- iisip ng may matanawan siya sa di kalayuan mula sa baybayin. Isang bulto ng lalaki na nag lalakad. Nahigit niya ang kanyang pag-hinga ng sa kanyang pag kurap ay biglang nawala ang bultong iyon.Hagyang pang pag dungaw ang kanyang ginawa sa veranda. At inaninaw ang lalaking naka tayo doon kanina. Ngunit di na niya muli pang nakita ang lalaking iyon.
Bigla na lamang tumaas ang mga balahibo niya sa braso. Hindi siya nag kakamali. Lalaki iyong nakatayo sa baybayin kanina.Natatakpan man ng dahilon ng niyog anh maliwanag na buwan ay kita niya na sa tapat ng bahay nila nakatingin ang lalaking iyon. Nag mamadali siyang pumasok ng kanyang kwarto saka dali-daling isinara ang pinto noon.Pakiramdam niya ay biglang lumaki ang kanyang ulo. Sino ang lalaking iyon?At ano ang ginagawa nito doon?
Saktong kakalapat lang ng kanyang likod mula sa kanyang pag kakahiga sa kama ng may kumatok buhat sa labas ng kanyang kwarto.Hindi niya iyon pinag buksan bagkus nagtulog tulugan sya.
Alam niyang ang kanyang mama iyon. At alam din niyang may mga bisita ito at ang kanyang papa sa ibaba. Naka ilang beses na pagkatok ang ginawa nito. Ngunit hindi niya iyon pinag buksan.Ilang sandali pa at naramdaman niya ang pagbukas ng pintuan ng kanyang kwarto.
Naramdaman niya ang pag lubog ng kabilang bahagi ng kanyang kama.
"Anak... I know na gising ka pa..."
"Ma, please..kung sasabihin nyo na bumaba ako dahil may bisita si papa. Gusto ko nang mag pahinga."
malamig at putol niya sa sasabihin ng Ina . Isang malalim na buntong hininga ang narinig niya mula kay Doña Ellinor. Naramdaman niya ang pag tayo nito mula sa gilid ng kanyang kama.At ang mga yabag nitong patungo sa pintuan. Masama pa rin ang loob niya sa kanyang ama.Masamang-masama.!