Third person:
Pagsilay ng araw ay umalis na agad si George sa mansion. Hindi pa gising ang lahat, tila may importante itong pupuntahan. Nang magising si Jackie pumasok ito sa banyo upang doon maligo. Mga kalahating oras siyang naligo. Pagkatapos niya ay lumabas siya ng kwarto ngunit nagtaka siya dahil wala na ang damit na hinanda niya kanina sa kama. Pumunta siya sa aparador upang tignan ang mga damit niya ngunit ni isa ay wala ng natira. " Saan na ang mga yon" sabi niya sa kanyang sarili.
Jackie's Pov
Mabilis kong hinanap sa loob ngunit talagang di ko nakita. Lumabas ako ng kwarto ng nakabathrobe pumunta ako sa sala upang hanapin si Berna baka may alam siya at nakita ko ang lagablab ng apoy. Lumabas ako sa mansion at nagulat ako ng makita ang malita ko na sinusunog ni Adis. Bigla akong napatakbo sa papunta sa kanya,
" Anong ginawa mo sa malita ko? Bakit mo sinunog."
Nagsimulang tumagas ang luha ko sa aking pisngi dahil sa mga nangyari.
" Sinabi po kasi ni ma'am Margarita" pasimpleng umalis ito na nang -iisnob.
Nasunog ang mga damit ko pati ang bagay na nagpapaalala sa akin sa mga magulang ko. Ang kwentas na bigay ni inay sa akin. Pumasok ako ng mansion habang umiiyak. Nakasalubong ko si Berna.
"Anong nangyare sayo Ms. Jackie?" Biglang sabi ni Berna sa pagtataka.
" Bumalik ka na sa trabaho mo Berna kong gusto mo pang manatili dito wag kang makialam." Saad ng boses galing sa likuran ko na alam kong papalapit sa akin.
" Yan ang napapala ng mga ambisyosang katulad mo!" Saad niya. Nagpatuloy ako sa pag-iyak.
" Ano piperme ka pa ba dito sa mansion na to?" Hindi ako umimik at nagpatuloy nalang sa pagtulo ang mga luha ko. "
Yan ang nababagay sayo kase di ka tumitingin kong saan ka nababagay" at tuluyan na itong umalis sa harapan ko.
Papasok na sana ako sa kwarto ng makasalubong ko si Andre, makikita mo sa mukha niya ang pagkabigla habang nakatingin sa akin.
" Why are you wearing that outside your room (gulat na sabi niya, binawi niya ang gulat na expression sa mukha niya at nagpatuloy sa pagsasalita) lahat na ba ng damit mo basa? Wala namang tagos tung bahay namin ahh!" Sarkastikong sabi niya.
" Wala" iniwan ko siyang tulala at pumasok na ako sa loob ng kwarto. Napahagulgol nalang ako sa mga nangyari. Ganito ba talaga sila ka sama. Pwes, hindi ako susuko. Sabi ko nalang sa aking sarili at nagpunas ng luha. Bigla naman pumasok si Berna alam niya ang nangyare kanina. Pumunta siya sa aparador niya at kumuha ng damit.
" Ito miss Jackie hiramin mo muna, ang sama-sama talaga ng ugali ng mga tao dito. Di man lang marunong rumespeto ng kapwa nila. " Sambit niya na may bahid ng pagkaawa sa akin.
" Pabayaan mo nalang baka madamay ka pa " saad ko habang pinupulot ang damit na pinapahiram niya. " Salamat dito ahh, promise ibabalik ko to. "
"Wala Yun?" Sabay kaway ng kamay nito sa akin. Natawa nalang din ako sa ginagawa niya.
"Sege babalik muna ako sa trabaho ko, pumunta lang kase ako dito para jan. Sege na magbihis ka na. " Sabay turo sa damit na pinahiram niya. Nagbihis ako at lumabas ng kwarto upang mag-agahan. Nadaanan ko si maam Margarita na nakangisi habang tinitignan ako. Nakarating ako sa kitchen at kumain na para bang may-ari, kaharap ko si Andre na panay tingin sa akin.
Andre's Pov
Papalapit si Jackie sa akin, nasa kitchen ako ngayon kumakain. Galit parin ako sa kanya dahil sa pagpayag niya sa kasal kahit hindi niya ako kilala kaya labis ang pagkamuhi ko sa kanya. Umupo ito at kumuha ng pagkain ako naman ay tumayo nalamang at umalis sa harap niya ayoko siyang makita. Mas Lalo akong naiinis sa kanya. Pumunta ako sa kwarto at nagshower dahil sa init ng ulo ko.
" I hate her!" Sabay on ng shower at nagsimulang bumuhos ang tubig. Naligo ako hanggang sa matapos at lumabas na ako ng banyo at nagbihis.
Margarita's Pov
Nakita ko na naman ang babaeng kinaiinisan ko. Nasa kitchen ito at para bang may-ari ng bahay, kumakain mag-isa at parang isang anghel na walang isang bahid ng kasalanan ang pagmumukha. Dahil sa inis kong pagmasdan siya nilapitan ko ito at hinawakan sa braso.
" Tita, ano ba bitawan mo ako. Ano ba nasasaktan ako" saad niya ngunit hindi ko parin tinigilan. Nakarating kami sa labas ng mansion, tinulak ko siya sa pinto ngunit nasa loob parin kami ng gate.
" Umalis ka, hindi ka nababagay dito, hindi mo pakakasalan ang anak ko. " galit na sabi ko. Napaupo siya sa semento at tumulo ang luha niya.
" Iiyak ka, para kaawaan kita! Hindi! Hindi ako maaawa sayo dahil isa kang gold digger!" Turo-turo ko ang pagmumukha niya.
" Hindi ho ako ganon, si Tito George ang pumunta sa akin at siya ang gumawa ng paraan para pumayag ako. Hindi ko plano ang manira ng pamilya. Hindi ako masamang tao." Tumutulo parin ang luha niya ng sabihin ang mga bagay na yon.
" Lumabas ka dito, hindi ka nababagay sa pamamahay na ito at kahit na ano pa ang sabihin mo hindi ako naniniwala!" Sambit ko at nakaharap sa kanya hawak-hawak ang bewang ko. Patuloy parin ito sa pag-iyak ng biglang tumayo naglalakad palapit sa akin. Ako naman ay napasandal sa pinto upang hindi siya makapasok.
" Saan ka pupunta? You are not welcome to this mansion!" Sigaw kong aabi sa kanya.
" No, si Tito George ang nagpapasok sa akin dito, kaya siya lang ang may karapatang paalisin ako" tugon niya at tuluyan na siyang nakapasok ng mansion habang umiiyak.
Jackie's Pov
Pumasok ako sa mansion habang pumapatak ang luha ko pinunasan ko ito nakasalubong ko si Andre palabas ng bahay. Seryoso ang mukha nito at nakatingin sa akin na para bang mangangain. Pumasok ako ng kwarto at umupo sa kama. Naiyak ako ng tuluyan dahil sa ginawa ni Ma'am Marga. Biglang bumukas ang pinto at hindi ko inakala na Ang pumasoka si Andre.
"Anong ginagawa mo dito?" Sabay punas sa mga luha ko.
" Ito ba ang kailangan mo, here keep it then go back to your village!" Nagkasalubong ang kilay niya at inabot sa akin ang isang makapal na envelope.
" Yan lang naman ang kailangan mo di ba!" Saad ulit nito sa mataas na boses.
" Pick it then leave, I wanna have a peaceful life and it will happen when you are gone inside this house." Pagpatuloy niya. Hindi ako kumibo at imbis na kunin ang bigay niya ay yumuko ako.
" Why are you acting like this, the way I talked to you! You look like an innocent lady, you act like Maria Clara but you can't fool me. I know that you only want our money! Out money!" Sabay lagay niya ng pera sa kamay ko ngunit di ko parin tinanggap. Nabingi ata ako sa sigaw niya kaya nawala ako sa katinuan. Bigla niya akong hinatak at isinandal sa pader.
" How could you just listen and stare at me when I'm talking, are you a robot? Hindi ka ba nasasaktan?" Sigaw niya at ang mga kamay niya ay nakahawak padin sa mga balikat ko. Bigla nalang lumakas ang pagtulo ng luha ko. Tuluyan na akong naiyak at nanlumo sa mga sinabi niya. Oo hindi ako sumasagot ngunit nasasaktan padin ako, sana alam nila yon. Ngunit yon naman talaga ang goal nila ang masaktan ako at umalis na lang upang maging maayos na muli ang pamumuhay nila.
" Your so stupid. You act like an angel but I know you have a big evil plan to our family and I won't let that happen!" Sigaw niya sabay bitaw sa akin, bumukas ang pinto at isinara niya ng napakalakas.