Third person:
Binuksan ni Jackie ang envelope at nakita niya ang 100,000 sa loob ng envelope. Nilagay niya ito sa tabi at nahiga sa kama, tila napagod siya dahil sa pag-iyak niya. Di niya namalayan nakatulog na pala siya. Hindi na rin siya ginising ni Berna dahil tila malalim ang kanyang tulog.
" Anak excited ka na bang makuwi sa tin? "
"Yes ma, gusto ko ng makita si tita, miss ko na siya. " Ngiting sabi ng bata.
" Papa, malapit na po ba tayo?" Pagtatanong uli nito sa ama.
"Oo anak malapit na tayo. Chill ka lang dyan." Paliwanag naman ng ama niya.
" Mama, gusto ko sanang makipaglaro sa mga bata roon mabait ba sila?" Tanong ng bata.
"Oo anak, basta mabait ka rin sa kanila." Paliwanag ng Ina.
Peeeeeeeeeep............ Bugshhhh.......
Jackie's Pov
Nagising ako bigla sa dahil sa aksidente sa aking panaginip. Napanaginipan ko na naman si mama at papa sa panahon na kami ay naaksidente at namatay sila. Napabangon ako at nakita ang luha sa aking mga mata. Naiyak ata ako sa takot, bumangon ako sa kama dahil sa gutom, nakita ko ang envelope sa gilid ng table malapit sa kama kaya dinala ko ito. Pumunta ako sa kusina at binuksan ang ref, nakakita ako ng ibat ibang kalse ng pagkain. Isinara ko ito ng matapos kong kumuha ng gatas at tinapay. Kinuha ko ang butter at inilagay sa tinapay. Uminom ako ng gatas, napapaisip pa din ako sa mga pangyayari kong bakit ako nandito. Nakita ko ang pera sa harap ko, ng nabusog ako ibinalik ko na ang nagamit kong pinggan at iba pa. Binitbit kong muli ang pera at naglakad papuntang kwarto huminto sa harap ng di ko pa kailan man napasok na kwarto at mahinang binuksan ito. Nakapasok naman ako dahil hindi nakalock. Bumungad sa akin ang magandang painting ng kalikasan.
"Wow, nature lover pala tong tau na to." Nasa kwarto ako ni Andre, hindi pa ito mismo ang kama niya. May mga upuan at isang lamesang maliit sa gitna. Meron din isang pinto doon
" siguro dyan ang kwarto niya" sa isip-isip ko.
Inilagay ko ang pera sa lamesa at mahinang lumabas ng kwarto. Oo mahirap lang ako, pero papatunayan ko sa inyo na hindi ako mukhang pera at hindi pera ang pinunta ko rito. Pumasok ako ng kwarto at nahiga ulit. Nakatulog naman ako agad.
Third person:
Lumabas si Gearge ng kwarto nila at bihis na bihis. Pumasok iyon sa office niya at tila may ginagawang importante. Naisipan niyang ipatawag si Jackie. Hindi naman nagtagal at pumasok na ito sa office niya.
" Pinapatawag niyo raw po ako tito George?" Tanong ni Jackie.
" Yes iha, halika maupo ka." Pag-aaya nito sabay turo sa upuan sa harapan ng table niya.
" Ano po ang sadya niyo tito?" Nang nakaupo siya.
" Ito panggastos mo" sabay bigay ng sobre na makapal.
" Ano Po yan?" Tanong ni Jackie at hindi pa tinanggap ang sobre.
Tanggapin mo na, kulang pa yan sa favor na binigay mo sa akin" sabay tayo at kinuha ang kamay ni Jackie at inilagay ang envelope.
" Wag ka mahiya humingi ng kung ano pa basta sabihin mo lang sa kain ibibigay ko. Magiging parte ka na ng pamilyang ito kaya masanay ka na iha" paliwanag nito. Tinignan ni Jackie iyon at nakita ang makapal na pera sa loob ng envelope.
" Tito, anlaki po nito, hindi ko po matatanggap to" sabay abut kay George.
" No keep it, kailangan mo yan. You deserve that kind of gift." Paliwanag niya.
"Pero-" Hindi natapos ang sinabi nito ng
" walang pero-pero, tanggapin mo nalang. Tapos mamaya tanghali pahatid ka nalang kay guard at papasama ka kay Yaya Berna upang mamili N ng bago mong gamit." Pagpatuloy nito.
" Sege po, tila hindi ko na ito matanggihan. Sinabi mo na ho ehh" sabay ngiti kay George.
" Haha, Ikaw talaga"
"thank you Tito, alis na po ako kung wala na po kayong nais sabihin?"
"Sege iha, basta wag ka mahiya sa akin ha" tumango naman si Jackie at lumabas na g kwarto.