Third person:
Nga alas tres ng hapon ay nasa loob ng kwarto si Jackie. Kring kring.... Tumunog ang cellphone niya kaya sinagot niya ang tumatawag.
Unknown number ito kaya nagtaka siya.
"Hello, sino to?" Marahan niyang tanong sa tumatawag.
"Hello, Jackie I'm Marguax the best friend of Andre, " saad nito sa kabilang linya.
" Ano po ang sadya niyo miss?"
" Ahh, I want to talk to you. I have an important things to ask you to clear my mind." Saad niya.
Nag-iisip siya saglit.
" Ahh, sege saan tayo magkikita?"
"I'll text you the complete details. Okay?"
"Ahh, sege."
" By the way thank you for considering my concern'."
"okay lang " Pinatay na ni Jackie ang tawag.
"Ano kaya sadya non, ba't gusto niyang makipag-usap?" Natanong niya sa kanyang sarili.
Nagbihis ito ng blue na casual dress at 2 inches hills. Medyo may pagka conservative ito kung manamit ngunit maganda parin tignan. Tila isang dyosa ito kapag nag-ayos. May natatangi talagang ganda, ang hugis ng kanyang mukha at ang tangos ng kanyang ilong. Ang may pagka singkit at nakakaakit na mata. Mahahabang piki-mata at makurbang baba. May balingkinitang katawan. Matapos siyang nag-ayos ay naglakad na siya palabas ng mansion.
" Yaya Berna, aalis muna ako" pagpapaalam nito.
"Okay ma'am, " tsaka nagpatuloy sa ginagawa niya.
" Teka po pala saan po pala kayo pupunta baka hanapin kayo no sir George ma'am?"
" Ahh dyan lang may kikitain lang" paliwanag nito.
"Ahh sege ma'am" tsaka naglakad ang dalaga palabas. Dahil wala silang driver ay pumara nalang ito ng taxi ulit.
Di nagtagal ay nakarating siya sa isang park na kung saan sila magkikita ni Marguax. Nakaupo siya sa isang bench habang naghihintay sa kikitain niya.
Nakalipas ang ilang minuto at di parin ito nakarating.
" Saan na kaya yon?" Saad niya sa kanyang sarili. Kunti nalang ang tao sa park dahil ang iba ay umuuwi na.
Maggagabi na ngunit di parin dumarating si Marguax. Mga alas syete na ng planohin niyang umuwi nalang.
Jackie's Pov
Tumayo ako sa bench at sinimulan ang paglalakad. Nagtaka ako ng may tila sumusunod sa aking likuran. Di ko ito tinignan at binilisan ko nalang ang paglalakad.
Ngunit sa bilis ng lakad ko ay narinig ko parin ang tagaktak ng sapatos. Alam kong sumusunod ito, kaya tumakbo ako. Nang patakbo na ako ay may biglang humawak sa braso ko. Nabigla ako ng tignan ko ay naka mask at may dalang kutsilyo at nakatutok sa tagiliran ko.
" Hold-up to, ibigay mo sa akin ang bag mo" biglang tugon ng tau sa likuran nko.
" Sa sobrang kaba ko ay binigay ko agad ang bag ko. Naiiyak na ako sa kaba at takot ngunit di parin ako tinigilan.
"Wag kang maingay kung ayaw mong gilitan ko ang tagiliran mo? Huh!" Pangsinghal niya. Tumango nalang ako at tila walang kibo na sinonud ang utos niya. Bigla naman itong tumakbo kaya nabuhayan ako ng loob. Sa sobrang kaba ko kanina ay muntik na akong maihi. Napalingap-lingap ako ngunit wala ng tao. Tahimik na ang park at nandito na ako sa kanto na walang ilaw. Di ko nalang napansin dahil sa kaba. Naiyak ako dahil wala akong nagawa.
"Paano ako uuwi, wala akong pera at pati cellphone ko ay tinangay ng hold-uper. " Sabi ko nalang sa aking sarili.
"Umupo ako sa gilid ng kalsada at umiyak nalang. Nabalik ako sa aking katinuan ng naisip ko na madilim sa kinaroonan ko at wala ng tao. Naglakad ako papuntang highway at dahil wala akong pera ay naglakad ako. Anlayu pa naman ng mansion at hindi ko kabisado paano uuwi. Ang alam ko lang halos 30 minutes akong nakasakay kanina sa taxi at alam kong malayo iyon. Naiyak nalang ako sa sobrang kaba ng nararamdaman ko.
Umupo nalang ako samay tulay dahil sa hindi ko alam pa'no ko sisimulan ang pag-uwi ng di ko man lang alam kong saan yon. Bago lang ako sa lugar nato kaya di ko alam Ang daan pauwi.