Andre's Pov
Tok!! Tok!!
"Come in"
" Sir maghahaponan na ho"
" okay " tipid kong sagot.
Umalis naman ito agad ng marinig ang boses ko. Natapos ako sa ginagawa ko sa laptop at saktong nagugutom ako kaya lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kitchen. Nakalapag doon ang maraming pagkain ngunit wala ni isang tao ang kumakain.
"Nasan kaya ang mga Tao rito" sa isip-isip ko. Naupo ako sa upuan at sinimulan ang pagkuha ng pagkain. Nasa gilid ko ang mga yaya namin siI
Yaya Berna at Yaya Adis ang mayordoma.
" Yaya, where are they?" Bigla kong tanong dahil tila sa ilang linggong kain ko rito sa bahay ay nasanay ako na nandito si Jackie na kaaway ko. I hate her but I want her presence sometimes.
" I hate this feeling" sa isip-isip ko.
" Ahh sir si ma'am Marga umalis di pa nakauwi si sir George di parin nakauwi. " Tugon ni Yaya Adis.
" What about Jackie?" Bigla kong nasabi ng di ko man lang naisip.
" Sir umalis po kanina pa nga ehh, tapos di pa bumalik nag-alala na nga ako. Tinatawagan ko naman hindi ko macontact." Saad nito.
" Baka umuwi na sa kanila?" Bigla kong sambit.
" Hindi po ata, may pupuntahan lang daw siya ehh" pag-aalalang aabi ni Yaya Berna. Biglang tumunog ang telephone.
"kring ......kring...... Kring ...... Kring......
"Wait lang sir sasagutin ko muna." Paliwanag nito ng pumunta sa sala. Nagpatuloy ako sa pagkain at inisip kong saan kaya yon pumunta.
" Sino kaya yon, di ko ata naabutan" rinig Kong sabi ni Yaya Berna.
Jackie's Pov
Naglakad-lakad ako ng makita ang isang telephone station sa gilid ng highway. Lumapit ako dahil may babaeng nakikitawag roon. Tila palabas na siya ng nakalapit ako.
" Ate, pwede ho bang makitawag riyan?" Tanong ko nalang bigla.
" Oo iha, " tsaka naisip kong wala pala akong pera. Napakapa- kapa ako sa gilid ko kung may barya ngunit wala talaga.
" Wala nga pala akong pera." Malungkot kong saad.
"Ito iha tanggapin mo" sabay bigay sa akin ng ali ng barya.
" Salamt Po ali, hulog ka po ng langit sa akin" paghawak ko sa kamay niya sa laki ng aking pasasalamat.
" Wala Yun, sege alis na muna ako. May pupuntahan pa ako" saad ng babaeng medyo matanda na.
"Sege po salamat" pumasok ako sa loob at dinial ang telephone number ng mansion. Tumunog ito ng ilang saglit ngunit walang sumagot. Tumawag ako ulit ngunit wala talaga. Naubus na ang barya ko kaya wala akong nagawa kundi maglakad nalang ulit. Mangiyak ngiyak akong tinungo ang daan.
Di nagtagal nadaanan ko ang isang bar, maraming lasing ang lumalabas mula roon.
" Oiy chix, pwede ka ba? Tara !" Sabi ng isang lalaki na lasing na. Apat sila na nagtawanan ng inisnob ko ito.
" Oiy maldita, yan ang gusto ko" saad nito at lumapit sa akin. Naglakad ako palayo ngunit nahawakan na ang braso ko. Pinalibutan ako ng apat na lalaki. Maraming taung dumadaan ngunit tila walang pakialam.
" Tama na ho!" Mngiyak-ngiyak kong sabi ng hawakan ako ng mga ito sa balikat ko.
" Tigilan niyo po ako" humigpit naman ang hawak ng isang lalaki sa akin.
" Ito ang gusto ko PALABAN" tawa naman ng tawa ang mga ito.
" Naiiyak na ako sa sobrang kaba ngunit hindi pa rin ako makawala.
"Tama na ho" habang hinahatak nila ako sa madilim na lugar. Di nagtagal ay biglang may sumuntok sa mga ito, nagsitilapon at ang iba naman ay nakipag laban sa lalaking lumapit sa amin at di ko alam kung saan galing.
Napapapikit ako, sa bawat suntok nito na tila ba ayaw ng buhayin ang mga lalaking kumuyog da akin.
" Sa susunod wag kayong mangbastos kung ayaw niyong pumanaw agad." Saad ng lalaki at nagsipagtakbuhan naman ang mga lasing na lalaking kumuyog sa akin.
" Are you okay?" Lumapit ito sa akin at niyakap ako. Doon ko nalang nasaisip na si Andre pala iyon. Umiyak ako ng umiyak sa balikat niya.
" Tahan na" sabay himas niya sa likod ko.
"Tara uwi na tayo" paghawak niya sa kamay ko at hinila ako papasok sa kotse niya. Pinagbuksan din ako ng pinto ni Andre.