"Aalis na ako," paalam ko kay Angel isang umaga para pumasok na sa hospital habang siya naman ay abala sa pag-aayos sa kanyang sarili para pumasok na rin sa trabaho since vacation na nila. "Oh siya, sige. Ingat ka," bilin niya sa akin. "Ikaw din. Babay." "Babay." Nag-abang ako ng tricycle at nang may tricycle na ay agad din akong sumakay pero bago pa ako dumiretso sa hospital ay dumaan muna ako sa isang convenience store dahil bibili lang ako ng makakain ko since hindi pa ako nakapag-almusal dahil sa tinanghali na ako ng gising. Matapos akong mamili ay agad din akong lumabas at muling nag-abang ng masakyan. Agad akong lumapit sa isang tricycle na kahihinto lang para sumakay nang biglang may isang babaeng bigla na lang sumulpot sa harapan ko kaya bumangga ako sa kanya at para bang si

