bc

The Biggest Mistake In My Life

book_age16+
2.5K
FOLLOW
11.0K
READ
pregnant
arranged marriage
badboy
goodgirl
drama
bxg
betrayal
cheating
lies
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

( completed ) Kwento ng isang babaeng nagngangalang Larah na umibig lang naman sa isang lyalaking si Nick. Ang pag-ibig na iyon ang nagbigay sa kanya ng kaligayahan pero hindi niya inakalang iyon din pala ang magiging dahilan kung bakit mabibiak ang puso niya. Sa piling ni Nick, muli pa kayang mararanasan ni Larah ang kaligayahan? May pag-asa pa kayang babalik ang dating Nick na dati niyang minahal?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Nick, I'm pregnant." "What?! Are you sure?" "Yeah! I am!" "But we're still students, Larah. You know that. Bakit hindi ka nag-ingat?" "I didn't expect it, too." "Seryoso ka ba na akin 'yan?" "Nagdududa ka ba sa akin? Nick, you were the first tapos pagdududahan mo ako?" "Yeah! I was the first but it doesn't mean na anak ko na 'yan!" Parang bombang sumabog sa tenga ko ang huli niyang sinabi. "What do you mean? Sa tingin mo pagkatapos sa'yo, lumandi pa ako sa iba? Ganu'n ba?" "That's not impossible." Napaawang ang mga labi ko sa aking narinig. Pagkatapos siyang magparaos sa akin, ganu'n na lang ang sasabihin niya, ang iisipin niya sa akin? "Where's Nick right now?" Angel asked me. She's one of my two friends. They already knew that I'm pregnant with Nick. "My project daw silang gagawin. 'Yun ang sabi niya," sagot ko naman. "Yun ang sabi niya..." parang nanunudyo pang sabi ni Rica, "...then who is that guy?" Napatingin kami sa direksyong ininguso niya at ganu'n na lang ang pagtataka ko nang mahagip ng mga mata ko si Nick with another girl. "Don't tell me that he is Nick's twin" nakataas ang kilay na saad ni Rica. Hindi ako makasagot. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi ko maiintindihan. "Na may kasamang ibang babae?" ani Angel. "Baka, kapatid niya lang 'yan," sabi ko. "Look, Larah! I have a brother, too. We're too close to each other. We always hang out together. Nagkukulitan kami. Nagbibiruan. Nagtutuksuhan. Pero 'yung maglampungan in a public places? Hindi namin ginagawa 'yun lalo na kapag may girlfriend na siya," mahabang litanya ni Rica. "Call him. Ask him where he is and who is with him right now," matigas na utos sa akin ni Angel. Hindi ko magawang igalaw ang kamay ko para damputin ang phone ko na nakapatong sa mesa. Hindi dahil gusto ko siyang pagtakpan kundi dahil takot ako na baka may malaman akong bagay na hindi ko kayang marinig. "Ayaw mo? I will!" dali-daling dinampot ni Angel ang phone ko pero agad ko naman itong inagaw. "Tatawagan ko na," sabi ko saka idinayal ko ang phone number ni Nick. Makailang beses na akong nag-dial but he didn't try to pick up my call at sa huling pagkakataon ay sinagot na rin niya ako. "What do you need?!" bulyaw niya sa akin. "I just wanna know w-where you are right now." "Didn't I told you that we have a project that we need to finish today?" He asked sarcastically. "Babe," narinig kong tawag sa kanya ng babaeng kasama niya habang nakatingin ito sa amin. Ininguso niya kami kaya napalingon si Nick sa amin. "Larah?" gulat niyang sambit. Kasabay ng pagbaba ko ng phone ko ang paglandas ng mga luha ko sa magkabila kong pisngi. Nasasaktan ako! "Ito ba 'yung project na sinasabi mo?" umiiyak kong sabi, "...sino siya? Sino siya Nick?!" galit kong sigaw. Agad siyang napatayo at nagpalingun-lingon sa paligid dahil halos lahat ng nandoon sa fast food na iyon ay nasa amin na nakatuon ang attention. "Let's go outside," galit niyang sabi. He grab my arms pero agad ko iyon iniwaksi. "Sagutin mo ang tanong ko. Sino siya?!" "Stop it, Larah! Nakakahiya ka." Mahina lang ang pagkakabigkas niya sa mga salitang 'yun pero may pagdidiin naman. "Ako pa ang nakakahiya? Di ba, mas nakakahiya pa ang ginagawa mo ngayon?!" Agad niya kong kinaladkad palabas sa fast food at nang makalabas na kami ay patulak na binitawan niya ako na muntikan na akong mabuwal. "Do you want to know who she is? She's Apple, my new girlfriend." Pakiramdam ko, tumigil sa pag-inog ang mundo ko. Pakiramdam ko, nawala lahat ng makukulay na bagay na nasa paligid ko. Para akong nabibingi na ang tanging naririnig ko lang ay ang huling niyang sinabi. Muli kong nararamdaman ang mga maiinit kong luha na muling dumaloy sa magkabila kong pisngi. "Maghiwalay na tayo." Tuluyan na akong napahagulhol sa sinabi niya. Tumalikod siya para muling pumasok sa fast food pero agad ko siyang pinigilan. "No, please. Don't do this to me, Nick. Alam mo naman kung gaano kita kamahal. I can't live without you. Please, I'm begging you," humahagulhol kong pakiusap. Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay ko na nakahawak sa braso niya. "I don't love you anymore." Muli ko siyang hinawakan at muling nakiusap. "Nick, please. Don't do this to me. I'm so sorry for what I've done. Please, forgive me. I'm sorry. Don't leave me, Nick. Please. Please stay with me. Please." This time, nakahawak pa rin ako sa braso niya pero nakaluhod na ako habang nagmamakaawa. "Promise! I'll do everything you want, wag mo lang akong iwan, please." Tanga na kung tanga. Hindi ko na iisipin kung ano pa ang sasabihin ng mga taong nakakakita sa amin. Ang mahalaga ngayon ay ang wag lang akong iiwan ng taong mahal ko dahil hindi ko kaya. Ikakamatay ko! "Gusto mong bumalik ako sa'yo?" Dahan-dahan akong tumayo at tumangu-tango bilang sagot sa kanyang tanong. "Abort that child." Natigilan ako sa aking narinig. Tama ba ang narinig ko? Hindi ba ako nabibingi lang? Pero bago ko pa makumpirma na tama nga ang narinig ko, wala na sa harapan ko si Nick. Nasa loob na siya, kasama ang nobya niya. Tulalang napatingin ako sa pangalan ng hospital na pinuntahan ko. Oo, magpapa-abort ako. Yun ang nabuo kong desisyon. Kung ito lang ang tanging paraan para bumalik sa akin si Nick, gagawin ko. "Bago natin sisimulan ang operation, let's have an ultrasound first, Misis," nakangiting sabi ng doktor na nag-aasikaso sa akin. Habang nakahiga ako ay sinimulan na ng doktor ang ultrasound. "That is your baby," sabi niya habang nakatingin sa monitor. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko, naririnig ko ang heart beat niya. May kung anong hindi ko mawari na pakiramdam ang bigla na lang sumibol sa puso ko. Nasasaktan ako! Nagi-guilty! Nakokonsensiya. Naaawa! "So, ipagpapatuloy pa ba natin?" tanong ng doktor. Bigla akong bumangon. "Sorry, dok. Hindi ko kaya," umiiyak kong sabi sabay labas sa room. Patakbo akong lumabas sa hospital na siya ring pagdating nina Angel at Rica na kapwa hinihingal pa. Napatingin sila sa tiyan ko at nang nakita nilang walang nagbago. Dahan-dahan nila akong niyakap kaya tuluyan na akong napahagulhol ng iyak. "Nagkamali ka na, wag mo ng dagdagan pa," ani Angel. "Walang kasalanan ang anak niyo kaya hindi niya kailangang magsakripisyo," segunda naman ni Rica. "But I love him. Sabi niya babalikan  niya ako kapag pina-abort ko ang anak namin." "At sa tingin mo, babalikan ka niya kapag na-abort na ang anak niyo?" tanong ni Angel, "...ok, sabihin natin na babalikan ka niya pero sa tingin mo, is it because he loves you? Hindi, Larah. Babalik siya sa'yo hindi dahil mahal ka niya kundi dahil sa katawan mo. Katawan mo lang ang habol niya dahil kung talagang mahal ka niya, he will never ever leave you lalo sa ganitong sitwasyon kung saan kailangang-kailangan mo siya. He is not deserving for love, Larah," dagdag pa nito. "Ipagpalagay natin na ikaw at ang new girlfriend niya ay isang gulay na nasa palengke at consumer ang nobyo mo. Buntis ka na, kung ikukumpara ka sa gulay doon ka na sa gulay na malapit nang malanta at ang karibal mo, bago at preskong-presko pa. Sa tingin mo, sino sa inyo ang bibilhin ng boyfriend mo?" Lalo akong napaiyak sa sinabi ni Rica dahil sa katotohanang impossible nang ako ang pipiliin ni Nick. "Hindi ko rin kasi alam kung papaano ko ito sasabihin sa mga magulang ko." "Alalahanin mo, walang magulang na handang tiisin ang anak. Siguro, masampal ka ng Mama mo o mapapalayas ka ng Papa mo. Pero, tandaan mo, Larah. Ang pagmamahal ng mga magulang ay walang kapantay. Ang dapat mo lang gawin ay ang kusa mo itong aminin sa kanila. Wag mong hayaang sa iba pa nila ito malalaman dahil napakasakit 'yun para sa isang magulang," madamdaming pahayag ni Angel. Kahit papaano'y gumaan ang mabigat kong nararamdaman dahil sa mga kaibigan ko. Kung wala sila, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. "Nick, ano ba! Let me go!" sigaw ko habang kinakaladkad ako ni Nick. Pinipilit na dalhin sa hospital para ituloy ang abortion pero dahil buo na talaga ang desisyon ko na hindi ko na ipapatanggal ang anak ko, tumanggi ako sa gusto niya at galit na galit siya dahil du'n. "Di ba, gusto mo akong bumalik sa'yo? Bakit ayaw mong ipa-abort ang batang 'yan!" galit niyang tanong. Muli niya akong kinaladkad pero pagalit na iniwaksi ko ang kamay niya. "Hindi ko na ipapatanggal ang anak ko," matigas kong tugon. Galit siyang napatingin sa akin. "So, ayaw mo nang bumalik ako sa'yo?" "Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ayaw ko na sa'yo basta ang alam ko lang, hindi kaya ng konsensya ko ang gusto mong mangyari." "Ok, fine! Mula ngayon, hiwalay na tayo" Muling tumulo ang mga luha ko. Hindi ko akalain na hanggang ngayon, bato pa rin ang puso niya. "Sana, malaman mong napakalaking mali ang desisyon mong bitawan ako." Pagalit na pinahid ko ang mga luha ko saka ko siya matapang na hinarap. "Do you want to know,  what was the biggest mistake that I've done in my life?" galit kong tanong sa kanya. Nilapitan ko siya at tinitigan na may pagkasuklam. "That was...when I fell in love with you," pagdidiin ko sa mga sinabi ko saka ko siya iniwan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Son's Father

read
589.9K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
864.1K
bc

Pain(Tagalog)

read
353.7K
bc

The ex-girlfriend

read
144.9K
bc

Unwanted

read
531.8K
bc

The Empire Series: Von Liam

read
597.5K
bc

Fight for my son's right

read
152.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook