Chapter 2

1221 Words
Nanginginig ang kamay ko na habang nakatingin ako sa message na nasa phone ko. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Natatakot ako. Nalilito kung ano ang dapat kong gawin. "Ano 'yan?" tanong ni Rica sa akin sabay snatch ng hawak kong phone saka binasa ang message na natanggap ko. "Larah, umuwi ka kaagad. Galit na galit ang papa mo sa nalaman niya tungkol sa'yo,"  nagkatingin sina Angel at Rica pagkatapos nilang basahin ang message ko saka sila dahan-dahan na napatingin sa akin. "Sinabi mo na ba sa kanila?" tanong ni Angel. Umiling-iling ako. Napaawang ang kanilang mga labi. Agad nila akong nilapitan at pilit na pinapagaan ang aking kalooban. "Maiintindihan ka rin nila." Niyakap nila ako pero ang kaba na nasa dibdib ko, hindi mawala-wala. Kinabukasan, umuwi kaagad ako sa amin. Galit na mukha ng aking ama ang aking unang natanaw. Nanginginig ako sa takot, sa pagkabahala pero nakahanda na akong harapin kung anuman ang gagawin o sasabihin nila sa akin. Nang makalapit na ako ay isang malakas na sampal ang inabot ko mula sa aking ama. So sobrang lakas, bumagsak ako sa sahig. Sapo ang mukha kong tinamaan ng malaking palad ni Papa. Deserve ko 'to dahil nagpakatanga ako! Lumapit pa si Papa sa akin at nang akma niya akong sampalin uli ay agad siyang inawat ni Mama. "Arturo, tama na. Nasasaktan ang anak mo!" umiiyak na pakiusap ni Mama. "Wala akong anak na disgrasyada! Wala akong anak na hindi marunong tumanaw ng utang na loob at higit sa lahat, wala akong anak na walang kwenta!" bulyaw ni Papa habang dinuduro niya ako. Hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha sa pagtulo. Masakit ang ginawa niyang pagsampal sa akin pero ang sabihin niyang wala akong kwentang anak, 'yun ang mas masakit! "Pa, I'm so sorry. Hindi ko po sinasadyang biguin kayo." Humihingi ako ng tawad sa kanya habang nakaluhod at humawak sa kanyang kamay pero galit na galit naman niya itong hinablot. "Umalis ka! Lumayas ka!" sigaw pa niya saka niya ako patulak na itinabig kaya muli akong napaupo sa sahig. "Arturo, tama na," awat pa rin ni Mama. "Ang laki ng pangarap ko para sa'yo, Larah. Kahit anong sakit o hirap, tinitiis namin ng Mama mo mabigyan ka lang ng magandang kinabukasan! Gusto namin na ikaw ang tatapos sa nasimulan namin na hindi namin natapos. Gusto namin na ikaw ang aabot sa mga pangarap namin na hindi namin naabot! Pero anong ginawa mo? Nagpabuntis ka! Mas inuna mo ang paglalandi! Hindi mo inisip ang paghihirap namin! Ang pagsisikap namin! Hindi mo inisip ang kinabukasan mo!" Galit si Papa habang sinusumbatan niya ako pero alam mo ba kung ano ang mas masakit? 'Yung nakikita mo ang masasaganang luha na nag-uunahan sa paglandas sa magkabilang pisngi ng 'yong ama dahil sa'yo, dahil sa katangahan mo sa pag-ibig. Parang libo-libong karayom ang tumutusok ngayon sa puso ko. Hindi ako nasasaktan sa pagsusumbat niya sa akin, nasasaktan ako para sa kanyang mga luha. Hindi ko akalain na lalabas ang mga iyon sa kanyang mga mata nang dahil sa akin. "Bakit mo 'to nagawa sa amin, Larah? May pagkukulang pa ba kami sa'yo? May nagawa ba kaming mali?" umiiyak pa rin niyang sabi at maya-maya lang ay.... "Arturo!" Agad akong napatingin kay Papa na ngayon ay nasa loob na ng bisig ni Mama habang nakahiga sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko. Napaawang ang mga labi ko. Si Papa, nahihirapan sa paghinga! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Natulala ako. Hindi ako makagalaw habang nagpapatuloy sa pagdaloy ang mga mata ko. "Larah!" Bigla akong bumalik sa tamang huwesto ng marinig ko ang pagtawag ni Mama sa akin. Umiiyak siyang napatingin sa akin. "Call the ambulance, please!" umiiyak niyang sabi. Natatarantang hinagilap ko ang phone ko sa bag saka ako tumawag ng ambulansya. We rushed to the nearest hospital and thanks God! My father is safe now. Buti na lang daw at nadala siya kaagad sa hospital. Kungna-delay pa raw ng ilang minuto, pwede niya raw 'yun ikamatay. I clinched my palm habang nakatingin ako kay Papa na naka-oxygen pa. Sobra akong nagsisisi sa pagiging tanga ko. Kung may nangyari mang masama kay Papa, hindi ko na alam kung ano pa ba kaya ang pwede kong gawin sa sarili. Napaluhod ako sa tabi ng kanyang hinihigaan at hinawakan ko ang kamay ni Papa. "Pa, I'm sorry. Please, forgive me. I'm so sorry," humihikbi kong sabi. May palad na biglang dumantay sa balikat ko at nang tingalain ko iyon, si Mama pala. Niyakap niya ako at hinagud-hagod ang likod ko. Hindi na ako bumalik pa sa city par ipagpatuloy ang pag-aaral. 2nd year college lang ako. Malaki-laki na rin ang tiyan ko. Mahahalata na rin ito ng ibang tao. Isa pa hindi pa rin ako handang harapin si Nick matapos ang aming hiwalayan. Yes, we broke up that day when he dragged me to the hospital para ituloy ang pagpa-abort sa anak namin. Aminado ako, it's not really easy to let go of someone whom you loves the most. 'Yong someone na sa kanya na talaga umiikot ang mundo mo. I admit, until now siya pa rin ang hinahanap ng puso ko. Ang minamahal ko. Ewan ko ba, siguro ipinanganak talaga akong martir, kasi kahit na sa kabila ng ginawa ni Nick sa akin. I'm still longing for him. I'm still in love with him. "Siya ba ang ama ng anak mo?" tanong ni Papa. Dahil hindi masyadong malala ang nangyari sa kanya, agad siyang naka-recover. Agad niyang kinuha ang phone ko at tiningnan niya ang picture ni Nick sa phone ko. Oo, until now may picture pa rin ako ni Nick at hindi ko ito mabura-bura. "Tawagan mo siya," sabi ni Papa sabay abot niya sa akin ng phone ko. Napaawang ang mga labi ko. "P-pero, Pa." "Tawagan mo!" matigas niyang sabi kaya wala akong nagawa kundi ang tawagan na lamang si Nick. Pang-ilang ulit ko nang idinayal ang phone niya pero hindi pa rin niya ito sinasagot at maya-maya lang ay sinagot na rin niya ito. "H-hello, N-Nick-----" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang biglang inagaw ni Papa ang phone ko at kinausap niya si Nick. "Ikaw ba si Nick?!" matapang niyang tanong. "Asan ang anak mo?" Napaangat ako ng tingin sa tanong ni Papa. "Gusto kong makausap ang anak niyo!" bulyaw pa niya. Lalo akong nagtataka kung sino ang kausap ni Papa. Labis naman akong kinabahan sa maaaring mangyari. "Alam mo ba na nakabuntis ang anak mo? Binuntisan niya ang anak ko!" Nangigitid na ang ugat ni Papa sa kanyang leeg dahil sa galit. "Kailangan niyang panagutan ang anak ko dahil kung hindi..." nakita ko ang pagkuyom ni Papa sa kanyang kanang kamao, "...baka laman na siya ng mga balita," pagbabantang sabi ni Papa. "Pa?" mahina kong awat sa kanya pero wala pa ring kwenta dahil hindi niya ako naririnig dahil sa mga bulyaw na kanyang pinapakawalan para sa kausap niya. "Ok. Magkikita tayong lahat. Pag-uusapan natin ang kasal ng mga anak natin." Muling napaawang ang mga labi ko at nanlaki ang mga mata ko. Pagalit na ibinagsak ni Papa ang phone ko sa mesa saka umalis sa harapan ko pero bago pa siya nakaalis ay agad akong nagsalita. "Pa, anong kasal ang sinasabi niyo?" naguguluhan kong tanong. Galit na humarap siya sa akin. "Ihanda mo ang sarili mo dahil bukas na bukas. Luluwas tayo para makipagkita sa mga magiging biyenan mo. Pag-uusapan natin ang kasal ninyong dalawa ni Nick!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD