Chapter 5

1525 Words
Tinotoo nga ni Papa ang pagpapaalis sa amin ni Nick sa loob ng kanilang bahay. Sa isang subdivision nakatirik ang bahay na inilaan para sa amin ni Nick. May dalawang kwarto, ang isa ay guest room. May maliit na banyo. Hindi naman ganu'n kalaki ang sala at dining area pero ok na 'to para sa pamilyang kakasimula pa lang. Pero pamilya nga ba kaya ang matatawag sa amin ni Nick? Tinulungan ako ni Mama para ayusin ang mga gamit namin ni Nick sa loob ng kwarto namin. Sinusi na rin ni Papa Arman ng maayos ang loob ng bahay para kahit papaano'y nakakasigurado raw siyang magiging safe kami. Makalipas lang ang ilang oras ay natapos na rin kami sa pag-aayos ng mga gamit namin sa tulong nina Mama, Papa at ang dinala nilang katulong para na rin raw makakasama ko sa bahay kapag wala si Nick. Kailangan ko talaga si Manang Linda sa bahay na 'to lalo na ngayon na halos ayaw magpakita sa akin si Nick. Katulad ngayon, lilipat na kami sa bago naming bahay pero wala siya, hindi siya nagpakita. Ni hindi man lang tumulong para buhatin ang sarili niyang gamit. "Dadalaw kami rito kapag may oras kami, huh," bilin ni Mama nang paalis na sila. "Opo," matipid kong sabi. "Manang Linda, ikaw na ang bahala sa kanila rito, huh? Wag niyong pababayaan si Larah," bilin ni Mama kay Manang Linda. "Opo, Ma'am," sagot rin nito. "Kapag nagkakaproblema kayo, wag kang mahiya o matakot na lumapit sa amin," saad naman ni Papa. "Opo," tanging sagot ko. "Alis na kami," pagpapaalam ni Mama. Agad na pumasok sa kotse si Papa at pinaandar na niya ang makina nito. "Ingat po kayo," sabi ko naman nang nakapasok na sa loob ng kotse si Mama. Kumaway ako hanggang sa nawala na sa paningin ko kotseng lulan ng mag-asawa. Aminado ako, may mga bumabagabag sa akin ngayon. Pero kahit na anong mangyari, pipilitin kong magiging maayos ang pamilyang magigisnan ng anak ko balang-araw. "Ma'am, maghapunan na po tayo," aya sa akin ni Manang Linda nang sumapit ang gabi. "Manang, wag na po ninyo akong tawaging Ma'am. Larah na lang po," sabi ko sa kanya. "Oh, sige. Larah," nakangiti niyang sabi. Umupo na ako sa harap ng hapag kainan nang lumabas ng dining area si Manang patungong sala. "Saan po kayo pupunta? Kakain na po tayo" tanong ko sa kanya. "Mamaya na po ako. Mauna na po kayo," aniya. "Manang, wala po akong kasabay. Halika na po. Sabayan niyo ako sa pagkain," aya ko naman sa kanya. Nag-aatubili pa siya. Nakasayanan kasi nila sa bahay nina Nick na kapag katulong, saka na kakain kapag after kumain ng mga amo. Hindi naman ako sanay sa ganu'ng set-up dahil wala naman kaming katulong. Hindi naman kasi kami ganu'n kayaman. 'Yong tipong doble-doble ang sasakyan tapos hindi lang isa kundi dalawa pa ang katulong. "Halina po kayo," muli kong pag-aanyaya sa kanya at di nagtagal dumulog na rin siya sa harap ng hapag-kainan. "Mula po ngayon, sasabay ka na sa akin kapag kakain," nakangiti kong sabi. Napangiti na rin si Manang Linda. Habang abala siya sa pagkain, hindi ko napigilan ang sariling titigan siya. Oo, nakatitig ako sa kanya pero par naman akong walang nakikita. Ang layu-layo ang tinatakbo ngayon ng utak ko. Doon papunta sa taong kagabi ko pa hindi nakikita. Kagabi ko pa hindi nararamdaman ang presensiya. Nasaan na kaya si Nick? Ano kayang ginagawa niya ngayon? Kumakain kaya 'yun ngayon? Sino-sino kaya ang mga kasama niya? Parang tanga lang eh, nuh? Iniisip ko 'yong taong wala namang pakialam sa akin, hindi ko alam kung iniisip din ako gaya nang ginagawa ko sa kanya ngayon. Iniisip ko 'yong taong hindi man lang nag-aalala sa akin. "Akala ko ba patay na ang lahing Gomburza? Meron pa pala?" ani Rica, isang araw nang magkita kaming tatlo. Alam na nila ang nangyari sa buhay ko. Wala na akong inilihim pa. "Kung nahihirapan ka na, wala namang masama kung bibigay ka," pahayag naman ni Angel. "Wag kang magpaka-martyr sa isang taong basura ang tingin sa'yo. Larah, kawaan mo naman ang sarili mo," segunda pa ni Rica. "Kaawaan ko ang sarili ko? Paano naman ang anak ko?" Nangingilid na naman ang mga luha ko sa gilid ng aking mga mata. Ganito talaga ako kababaw. Madaling maiyak lalo na sa ganitong sitwasyon. "Ayokong lalaki siyang walang ama. Ayokong dadanasin niya ang pangungutya ng iba sa kanya balang araw. Hangga't kaya ko, magtitiis ako. Ito lang din kasi ang alam kong paraan para mapatawad ako ni Papa para muli niya akong matanggap," litanya ko naman. Nagkatinginan na lamang ang dalawa. "Basta, kapag hindi mo na kaya, sumuko ka. Andito naman kami para sa'yo," nakangiting sabi ni Angel. "Kung kailangan mo ng resbak, handa kami. Hindi ka namin iiwan," dagdag pa ni Rica. Sa ganitong malayo ako sa pamilya ko, kailangan ko ng kaibigang gaya nila para kahit papaano'y may masasabihan ako ng mga paulit-ulit kong kwento. Kahit nakakasawa nang pakinggan and I'm so much grateful for having them dahil may mapupuntahan ako sa bawat sandaling hirap na ako. "Bakit mo ginawa 'yun?!" galit na tanong ni Nick sa akin kasabay ng pagdapo ng palad niya sa kanan kong pisngi. Gulat na gulat ako. Hindi ako makapaniwala. Sapo ang pisngi kong tinamaan ng kanyang sampal at agad namang naibaling sa kaliwa ang aking mukha. Napawaang ang mga labi ko. Nakakunot ang noo ko. "Bakit ka nagsumbong kina Mama na hindi na ako umuuwi dito?!" galit pa rin niyang tanong. Lalo tuloy akong naguguluhan sa kanyang mga sinasabi. "Hindi ko alam ang mga pinagsasabi mo," mahinahon kong sabi habang pilit na pinipigilan na muling umagos ang mga luha ko. "Magmamaang-maangan ka pa?! galit na muli niyang itinaas ang kanyang kamay para muli akong pagbuhatan na siya ring pagdating ni Manang Linda galing namalengke. "Tama na, Nick!" agad na awat ni Manang kaya dahan-dahan na ibinaba ni Nick ang kanyang kamay saka niya ito ikinuyom. Agad na nilapitan ako ni Manang. "Ok ka lang?" nag-aalala nitong tanong. "Wag munang uulitin 'yun, Larah dahil kapag nagkataon, baka hindi lang 'yan ang maaani mo mula sa akin," galit na pagbabanta niya sa akin. Galit na hinarap siya ni Manang. "Matuto ka munang magtanong, Nick bago mo saktan ang asawa mo," pahayag ni Manang. "Pati ba naman ikaw? Siya pa rin ang kakampihan mo?!" "Dahil hindi niya deserve ang p*******t mo sa kanya dahil wala siyang nagawang kasalanan sa'yo!" bulyaw ni Manang sa kanya na siyang lalong nagpakulo sa kanyang dugo. "Wala? Nagsumbong siya kay Mama na hindi na raw ako nagpapakita rito tapos sasabihin mong-----"Bakit, hindi ba totoo naman?" putol ni Manang sa ibapa niyang sasabihin. "Walang kasalanan si Larah, kailan man  hindi niya 'yon gagawin," dagdag pa nito. "At sino sa tingin niyo ang nagsumbong? Kayo?" tanong niya kay Manang. Hindi umimik ang matanda kaya napamaang si Nick sa nalaman. Ilang sandali ng katahimikan ang namagitan bago nagsalita uli si Manang. "Sa akin nagtatanong ang Mama mo dahil alam niyang kahit anong gagawin niya, hindi magsasabi ng totoo si Larah tungkol sa'yo. Nick, sana maging aral 'to sa'yo ang nangyari ngayon. Sinaktan mo ang inosente mong asawa," litanya ni Manang at this time, dahan-dahan nang tumulo ang aking mga luha. Napatingin sa akin si Nick at nakita ko na ang palad niyang nakakuyom ay dahan-dahan niya ito ibinuka at walang anu-ano'y dali-dali siyang lumabas ng kwarto. "Pasensiya ka na, Larah. Nang dahil sa akin, nasaktan ka ni Nick," hinging paumanhin ni Manang habang nilalapatan niya ng yelo ang pisngi kong nagkapasa dahil sa ginawang pagsampal sa akin ni Nick. "Mabait naman talaga 'yang si Nick. Hindi ko nga alam kung bakit bigla siyang nag-iba," dagdag pa nito. Nanatili pa rin akong walang imik. "Hayaan mo, alam ko darating ang araw na magbabago rin siya. Sa ngayon, kailangan lang muna siya ng space. Siguro naninibago lang siya sa lahat ng mga nangyayari sa inyo ngayon. Larah, matatanggap ka rin niya lalo na ang inyong anak. Magtiwala ka lang." Muling tumulo ang mga luha ko habang dahan-dahan na ikinuyom ko ang palad ko na nasa ibabaw ng hita ko. Kailan pa kaya darating ang sinasabi ni Manang na 'balang araw' kapag hindi ko na talaga kaya? Kapag durog na durog na ako? Natulala ako kinagabihan habanv nakatingin ako sa phone ko. Nag-sent kasi sa akin si Rica ng photos sa social media account ko at hindi ko inaasahan na ang mga photos na 'yun ay si Nick with Apple. Until now, they're still together. Ang lalambing nila sa photos at ang masakit pa ay ang makita ko ang isa nilang photo na talagang naghahalikan sila. Dahan-dahan kong inilagay ang kamay ko sa dibdib at dinama ko ang puso ko na muli na namang nabasag. Hindi ko na namang napigilan ang mga luha ko mula sa pag-agos. Gusto kong humikbi pero naalala ko ang anak ko kaya napahawak ako sa tiyan ko. "Nak, sorry umiiyak na naman si Mama. Masaya kasi si Papa eh kaya napaiyak na rin ako sa saya. Masaya ako para sa Papa mo, nak. Masayang-masaya." Tuluyan na akong napahagulhol ng iyak. Napatingin ako sa wedding picture namin ni Nick na nakapatong sa ibabaw ng side table. Parehong walang kabuhay-buhay ang aming mga mukha. Ganu'n na rin ba ang mangyayari sa buhay namin habang buhay? Kung ang palayain siya ang tanging magpapasaya sa kanya, dapat ko na siguro gawin 'yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD