Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Akino sa kwarto ay pansamantalang iniwan niya ang dalaga. Naroon sa silid ang binatang may puting buhok upang tingnan ulit ang sugat ni Akino, gamutin kung may kailangang gamutin. Minabuti niyang hindi na lang manatili roon at manood. Isa pa ay sinenyasan siya ng dalaga na may pag-uusapan ang dalawa na personal na bagay. At iyon ang laman ng isip niya habang naglalakad pababa mula sa ikalawang palapag. Hinanap kaagad niya si De Dios nang makababa siya. Balak niya na dito alamin ang personal na pag-uusapan ng dalawa. Alam niyang may alam ito tungkol sa bagay na iyon dahil mataas ang tingin dito ng dalawa dahil ito ang tumatayong pinuno ng mga ito. Palabas na ito ng bahay nang makita niya ito. Mabuti na lang pala at umabot pa siya, kung hindi ay bubunuin niy

