"What did you two talked about?" tanong ni Zee sa kasintahan. Kasalukuyang nagsusuot ang dalaga ng damit dahil sa katatapos lang ng muntik-muntikan nilang mainit na sandali nito. Tinulungan pa niya itong suotin iyon dahil nahihirapan pa rin itong gumalaw na siyang dahilan na rin kung bakit hindi sila nito nag-all the way. Iniiwasan niya ang masaktan ang dalaga dahil sa mga sugat nito. "It doesn't matter, Zee," tugon naman nito. Isa ang bagay na iyon sa ikinaiinis niya sa dalaga kung minsan, na kapag tinatanong niya ito ay hindi ito nagsasabi sa kaniya na para bang hindi siya nito pinagkakatiwalaan. "It matters to me, Aki. Kung tungkol iyon sa iyo of course it matters! Gusto ko lang namang malaman---" "He told me to go with Master Ken when they go back to Philippines. Haru told me to

