Isang linggo matapos ang pag-uusap nila ni De Dios ay naghahanda na ang pamilya nito para sa pagbalik ng mga ito sa Pilipinas. Mabilis naayos nito ang mga kinakailangang dokumento at maging ang mga maiiwan nito ay naibilin na nito ng maayos sa pinagkakatiwalaan nito. Maging siya ay kinakailangan na ring bumalik sa bansa dahil sa mga naiwan niyang trabaho at obligasyon doon. At the very last moment ay pinakikiusapan niya ang kasintahan na sumama ito sa bansa ngunit naging matigas talaga ang desisyon nito na manatili sa Japan upang tapusin ang pangako nito sa sarili. Ayaw niyang umalis na hindi ito kasama dahil hindi niya tiyak kung magkakaroon pa ba sila nito ng pagkakataon na magkita at magkasama ulit. Ilang araw na rin silang hindi nag-uusap ng maayos ni Akino matapos silang magtalo dah

