Halos mabingi si Akino sa sigaw na iyon ni Zee. Gulat na gulat siya sa bigla nitong pagdating sa lugar na iyon, at mas lalong nagulat siya sa salitang binitiwan nito. Her body stilled, even her breathing had been paused for a moment. Hindi niya alam kung paano ipoproseso ng utak niya ang tanong nito. “Anong ginawa mo sa ina ko?” That's what Zee asked her. Ano nga ba? How could she explain it to him when Zandre's anguish glare pierced through her, na para bang gusto na siya nitong gutay-gutayin sa galit. Gustohin man niyang magsalita at depensahan ang sarili niya ay hindi na niya nagawa nang tabigin siya nito nang malakas, sapat upang bumalandra ang duguan niyang katawan sa malamig na semento. Yes, she was in a bloody mess. Puno ng matsa ng dugo ang katawan niya. Mantsa ng dugo ng mga tao

