Nagmamadaling nag-drive si Zee patungo sa Villa na kung saan naroon ang kaniyang amain na si Emmanuel Zuniga. Hindi siya mapakali nang malaman niya mula sa ina na pinatatawag ito para pumunta sa lugar na iyon. Hindi niya alam kung ano na naman ang plano ng matandang iyon sa kaniyang ina gayong alam naman nito na hindi maganda ang naging kundisyon nito dahil na rin sa kagagawan nito mismo. Sigurado siyang balak na namang gamitin nito ang ina laban sa kaniya at lingid iyon sa kaalaman ng kapatid niya sa ina na si Lee. It is better for his mother to stay in that mental facility rather than beside that scumbag. Paulit-ulit lang din naman nitong sinasaktan ang ina niya na hindi niya alam kung bakit nababaliw sa pagmamahal sa taong iyon .His mother is blinded by love at hindi niya iyon matanggap

