Chapter 1: New School
Pinagmamasdan ko ang envelope na hawak ko habang patuloy sa pag andar ang kotseng sinasakyan ko. Nakasulat doon ang pangalan ng school, medyo weird yung name ng school.
Lorenzo.
Inilipat ako dito sa Lorenzo school dahil namatay ang taong nagpalaki at nag alaga sa akin simula pagkabata. Si tita Sierra nalang ang natitira kong pamilya kaya gusto niya akong lumipat ng school dahil para mas mababantayan niya ako . Hindi ko kilala si tita Sierra dahil walang nabanggit ang nanay Amanda sa akin, nabigla nalang ako ng tawagan niya ako at nagpakilala na tita ko daw siya at kapatid niya si nanay Amanda ko. Hindi ko alam na may kapatid pala si nanay. Ngayong wala na si nanay Amanda ko, hindi ko na alam kung anung gawin. Nasanay ako na lagi siyang nasa tabi ko, lagi siyang sumusuporta sa lahat ng bagay. Hindi ko alam kung kaya kong mabuhay na wala siya sa aking tabi.
Makalipas ng ilang minuto huminto ang kotse. Napatingin ako sa labas ng bintana. Nagtataka ako nang makita ang mga malalaking puno at mga d**o. Naligaw ba kami?Hinintay kong magsalita ang driver ng kotse. Maya maya pa ay lumabas ang driver at pinagbuksan niya ako ng pinto. Napatingin ako sa kanya. Naubusan ba kami ng gas? kaya pinalalayas na niya ako.
''Ma'am, nandito na tayo.'' sinabi nito. Lorenzo School.
Natigilan ako sa sinabi niya. Wait, what? Muli akong sumilip sa labas ng bintana. Kakahuyan at mga d**o ang bumungad sa akin. Nagbibiro ba siya? Ito na ba yon? Ang bagong school na lilipatan ko. Kinuha ng driver ang maleta kong nakapatong sa upuan. Hindi ako nakagalaw.
'' Sandali lang po.''
Sinundan ko siya hanggang sa malaking gate. Naglakad kami malapit sa malaking gate. Nilapag niya ang maleta ko at saka tumalikod para bumalik sa kotse. Hahabulin ko sana siya pero may malamig na hangin ang dumaan sa akin kaya kinilabutan ako . Napatingin ako sa gate, medyo luma na. Hindi ito ang inaasahan ko. Baka nagkakamali lang si manong driver, hindi ito ang Lorenzo School. Naglakad ako ng kunti dahil baka may makita akong tao. Magtatanong ako kung ito ba ang Lorenzo School.
Nakatayo lang ako malapit sa gate. Kanena pa ako nakatayo pero wala akong nakikitang taong dumadaan. Napatingin ako sa relo ko, 5:10 pm na. Napakalayo pala ng aming nilakbay, 8 am kami umalis. Giniginaw na ako kaya napayakap ako sa aking sarili. Wala bang tao dito. Napatitig ako sa mga puno, tumaas ang balahibo ko. Hindi ako sanay sa ganitong lugar kaya kinakabahan ako. Parang cemetery lang. Hindi halata na school dahil mukhang haunted mansyon lang ang itsura.
Sinubukan kong tawagan si tita Sierra pero hindi ito sumasagot. Busy siguro. Tatawagan ko pa sana si tita pero ng biglang bumukas ang malaking gate. Naghintay ako na may taong sasalubong sa akin pero wala. Impossible. Bumukas ang gate ng walang tao? kinuha ko ang maleta ko at sabay pumasok sa gate. Aatras sana ako para lumabas ulit pero biglang nasirado ang gate. Napalunok ako .
WELCOME TO LORENZO SCHOOL.
Napatingin ako sa nakasulat sa malaking puno. Nandito na ako ? Hindi ko maiwasang hindi matakot dahil ang lamig ng hangin at wala man lang katao tao dito. Nagsimula akong maglakad. Tingin dito, tingin doon. Wala bang sasalubong sa akin. Si tita, Isa siya sa mga staff dito kaya alam kong nandito siya. Nakalimutan ba niyang darating ako ngayon. Sabagay, hindi niya ako kilala kaya wala siyang pake sa akin.
Maya maya ay may nakita akong babaeng papalapit sa akin kaya nawala ang pangamba ko. Medyo may edad na siya. Itim ang suot siya at halatang hindi niya ako gusto. Ngumiti ako pero wala siyang reactions kaya yumuko lang ako.
'' Ikaw ba si Adriana Luna Guerrero?''
Tumango ako.
'' Sumunod ka sa akin.''
Sumunod naman ako sa kanya. Napatingin ako sa paligid at napansin kong may isang lalake sa likod ng puno. Nakatingin sa akin. Nagtama ang mga mata namin. Pero agad akong umiwas . Tinignan ko ulit siya,pero wala na siya . Sinu yon? bakit nasa likod ng puno siya? ay ewan. Nakarating na kami sa loob.
'' Wow''
Hindi ko maiwasang hindi mapa nganga. Hindi ko inaasahan na napakaganda at napakalaki nitong school. Akala ko napakaluma nitong school pero hindi pala. Sa labas lang ang luma pero dito sa loob napakaganda. Habang naglalakad kami ay may napansin ako. Napakatahimik at wala akong nakikitang mga tao. Nakasunod lang ako sa babaeng matanda, hindi ko alam ang pangalan niya.
'' Barbara ''
Nabigla ako ng magsalita ito. Mind reader ba siya. Magsasalita pa sana ako ng huminto kami sa malaking pinto.
GIRLS ONLY.
Pumasok kami at may mga babaeng estudyante ang nakatingin sa akin.Halata sa mga mukha nila ang pagkagulat. Ewan ko lang pero nakakapagtaka ang mga tingin nila sa akin. GIRLS ONLY DIBA. Iba ang mga tingin nila sa akin kaya nakayuko lang ako at hindi ko sila pinansin. Baka nabigla lang sila dahil bago ako dito. Sana magkaroon ako ng kaibigan dito para kahit papanu hindi ako kabahan. Huminto si barbara at kumatok sa isang pinto. Bumukas ito at may isang babae ang lumabas.
'' Siya ba ang magiging room mate ko?''
Napatingin siya sa akin at ngumiti. Ang ganda niya.
'' Ako nga pala si Elisa ''
Lumapit siya sa akin at bigla akong niyakap kaya nabigla ako.
'' Anung pangalan mo?''
'' Adriana Luna Guerrero, tawagin mo nalang akong Luna''
Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya dahil iba ang beauty niya.
Hindi ko napansin na umalis na pala si Barbara, bakit hindi ko namalayan. Tinulungan ako ni Elisa na dalhin ang maleta sa loob . Malaki ang room namin at medyo madilim at walang mga gamit. Nasaan ang gamit niya? At bakit tatlo ang bed? may isa pa kaming room mate siguro. Umupo ako sa malaking kama at nagsimulang ayusin ang gamit ko.
'' So, bakit ka lumipat dito?'' tanong ni Elisa kaya naalala ko si nanay Amanda ko. Pinigilan kong umiyak dahil baka isipin ni Elisa na ang drama ko. Ngumiti ako sa kanya bago magsalita.
'' May mga bagay na hindi mo inaasahan, kaya ayun, nandito ako'' mukhang hindi niya naintindihan ang sinabi ko kaya I chuckled.
'' Namatay ang nanay ko, actually hindi kami blood related but siya ang nagpalaki at nag alaga sa akin kaya parang tunay na nanay ko na siya'' nag iba ang itsura niya sa sinabi ko, sad kasi ang life ko. Kung hindi lang sana ako nagtampo at umalis, eh di sana buhay pa siya, kasalanan ko ang lahat kung bakit siya namatay.
'' Sorry Luna kung nagtanong pa ako sayo''
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Lumapit si Elisa sa akin at niyakap ako. teka lang, bakit ang lamig niya, wala namang aircon dito. nilalamig ba siya? Kanena ko pa ito napapansin nung niyakap niya ako sa labas.
'' Elisa, bakit ang lamig mo? may sakit kaba?'' tanong ko sa kanya kaya bumitaw siya sa akin at ngumiti. Akala ko sasagutin niya ako, pero bigla siyang tumalikod at humiga sa kama niya. Anung nangyari? may mali ba sa tanong ko? baka hindi maganda ang pakiramdam niya. Di bale nalang, kailangan kong ayusin ang mga gamit ko. Bukas mag estart ang klase namin kaya I need to prepare. Naalala ko si tita Sierra.Nalaman kaya niya na nandito na ako.
Habang nag aayos ako ng gamit ko ay may narinig akong ingay sa labas. Napalingon ako kay Elisa na agad tumayo at pumunta sa pinto. Lumingun siya sa akin.
''Wag kang lumabas''
Tumango lang ako. Lumabas siya kaya nagtataka ako kung anung nangyari sa labas? parang may nag aaway. Baka nagkakagulo na sa labas. Sabi ni Elisa na hindi daw ako lalabas. Bago lang ako dito kaya hindi dapat ako makialam.
Boogggsss..
Muntikan na akong atakihin sa puso ng may malakas na ingay. parang may nahulog . Hindi naman karamihan ang dala kong gamit kaya natapos na ako. Gusto kong sumilip sa labas pero sabi ni Elisa sa akin na hindi dapat ako lumabas. Napansin ko na umilaw ang cellphone ko, may nagtext..
'' Wag kang lumabas ng kwarto''
Si tita Sierra ang nagtext sa akin.
Anu bang meron sa labas. Bakit ayaw nila ako palabasin. Lumabas nga si Elisa, eh ako hindi pwede. at saka, panu nalaman ni tita Sierra na nandito na ako. Sinabihan kaya siya ni Manang Barbara? eh bakit hindi niya ako sinalubong kanena? medyo sumakit na ang ulo ko sa kakaisip. Tinago ko ang cellphone ko sa bag. Humiga ako sa kama, at naalala ko ang sinabi ni nanay Amanda, nasa akin daw ang mahalagang bagay na gustong kunin ng iba. Anu kaya ang tinutukoy ni nanay. Hindi naman kami mayaman. Impossible na pera ang tinutukoy niya. Inaantok na ako dahil napagod ako sobra sa byahe kaya naisipan kong matulog muna.
********
Nagising ako ng may tumatawag sa akin. Napatingin ako sa paligid ng aming kwarto. Wala si Elisa. Anung oras na kaya. Hindi ko pala namalayan na gabi na. Dahil siguro sa pagod kaya nakatulog ako ng mahimbing. 12am na pala. Ang bilis talaga ng oras. Tumayo ako sabay nag stretching. Binuksan ko ang pinto para sumilip sa labas. Nasaan na kaya si Elisa. Hindi ba siya dito matutulog. Late na. May pinunta siguro siya kaya hindi siya dito matutulog.
Wala akong nakikitang tao sa labas. Natutulog na silang lahat. Gutom na ako. Hindi pa naman ako kumain kanena. Sigurado akong may tumawag sa akin kanena kaya ako nagising. Akala ko si Elisa. Sinara ko ulit ang pinto at saka umupo ulit sa kama. Kinuha ko ang salamin at suklay. Nagtataka ako kung bakit may kakaibang birth mark ako sa leeg malapit sa right ear ko. Hindi ko maipaliwanag ang itsura nito dahil nalilito ako. Mukhang butterfly pero parang bulaklak? tignan niyo, nalito tuloy ako..
Naalala ko na naman ang sinabi ni nanay Amanda sa akin. Hindi daw dapat ako magtiwala kung sinu, dahil magsisisi daw ako sa huli. Nung bago siya namatay ay marami siyang binilin sa akin kaya naguguluhan ako.
Sana nasa maayos na lugar si nanay.
****************
Nagising ako ng may humawak sa akin. Pagmulat ko ay may maputing babae ang bumungad sa akin. Siya siguro ang isa naming room mate. Agad akong bumangon. Nakatitig siya sa akin at may halong gulat ang kanyang mukha pero napalitan ito ng pagkainis.
'' G-good morning, Ako nga p-pala si Adriana Lu-''
Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng lumabas siya. Ayaw niya sa akin. Napatingin ako sa relo. 6:10 am. Napatingin ako ng may lumabas sa banyo. Si Elisa.
'' Gising kana pala Luna, maligo kana dahil baka ma late tayo''.
Sabi nito. Agad akong tumayo at kinuha ang towel at mga gamit para ligo. Mabilis ako natapos. Paglabas ko may nakalagay na uniform sa kama ko. Kulay itim ang polo t-shirt at medyo may pagkapula ang palda, at saka maikli yung palda. Pansin ko may sugat sa leeg si Elisa. Naisipan kong hindi magtanong baka magalit siya sa akin at isipin niyang pakilamera akong tao. Pinagpapatuloy ko nalang ang ginagawa ko.
'' Wow, bagay sayo ang uniform''
Well, hindi ako comfortable sa suot ko. Hindi ako sanay magsuot ng maikling palda kaya ngumiti lang ako ng kunti sa kanya. Pumasok naman yung babae kanena.
'' Oh, Adela, napaaga ka yata ngayon.''
May halong pang aasar ang tanong ni Elisa kaya she rolled her eyes at her. Nakangiti lang si Elisa sa kanya. feel ko close silang dalawa. Baka soon, magiging kaibigan ko din siya.
'' Si Luna nga pala, ang bago nating room mate''
Napalingun ako kay Elisa sa sinabi niya. Tumingin naman ako kay Adela. Hindi niya pinansin ang sinabi ni Elisa kaya huminga nalang ako ng malalim. Lumapit sa akin si Elisa, nasa mukha parin niya ang ngiti. Mukhang masayahin siya palagi. Naalala ko kahapon yung tanong ko sa kanya, hindi siya sumagot. Na badtrip siguro siya sa akin.
''Wag kang mag aalala, mabait yan si Adela kahit masungit hehe''
Napangiti ako sa sinabi niya.
'' Nga pala, ito yung schedules mo at saka mga rules dito sa school''
Isang handbook. Agad kong binasa ito..
Welcome to Lorenzo School.
Mga simple lang ang mga rules nila dahil hindi naman ako pasaway pero something caught my attention.
'' Do not step on the 7th floor''
************
Author's Note:
I was inspired to write this story. Actually this is my first time na gumawa ng ganitong story. Kaya sorry sa typo at sa mga errors ko.
ON GOING STORY.
Leave a comment and enjoy reading!
@xiulanmin