Chapter 2: Damien

2084 Words
Chapter 2: Damien Naisipan kong magtanong mamaya kay Elisa. Nandito kami ngayon sa cafeteria nila. Hindi ko alam kong nasa earth pa ba ako dahil parang nasa ibang mundo yata ako. Napakaganda at ang laki. Ibang iba sa dati kong school. At saka ang tahimik nila masyado. Hindi tulad sa amin, halos nagsisigawan na. Umorder kami ni Elisa. Gutom na ako kaya agad akong naghanap ng paborito kong pagkain pero parang wala sila. Puro mga iba ang mga pagkain nila. Hindi ko nga alam kung anu ang mga tawag nito. Tumingin ako kay Elisa. Juice at isang ewan na pagkain ang inorder niya. Ginaya ko nalang kung anu ang inorder niya pero pinigilan niya ako. Pumili siya ng ibang pagkain para sa akin. Nag thank you ako sa kanya. Umupo kami sa gitna. Hindi ako mapakali dahil kanena pa ako tinitignan ng mga estudyante. Yumuko nalang ako. Napansin naman ni Elisa iyon kaya she glared at them. '' Wag mo silang pansinin, ganyan sila dahil bago ka pa dito'' Tinignan ko ang pagkain ko. Anu kaya ito. Mukhang pusit pero iba ang lasa. At saka gusto kong uminum ng juice kaya lang, na cancel ang order ko. Tinignan ko si Elisa, May hawak siyang cellphone at mukhang may katext siya. Nakangiti ito habang nagtetext. Boyfriend niya siguro. Pagkatapos naming kumain ay agad kaming nagtungo sa aming classroom. Classmate ko si Elisa kaya masaya ako. Hindi ko alam kung anung mangyayari sa akin pag ako lang mag isa. Wala akong kilala dito at saka nakakatakot ang mga tingin nila sa akin. Mukhang gulat at naiinis yong mga tingin nila sa akin. Hindi ko nalang pinansin ang mga titig nila sa akin. Maya maya ay may dumating. Siya siguro ang teacher namin. Tatayo sana ako para mag greet sa kanya pero hinawakan ako ni Elisa. '' Anung gagawin mo?''tanong niya kaya tinignan ko siya ng '' Anu?'' Magsasalita pa sana ako ng narinig ko ang boses ni sir. '' Hindi ko gusto ang nangyari kahapon. Pag nalaman ito ni Damien, hindi ko alam kung anung mangyayari sa inyo.'' Sinu ang tinutukoy ni sir. Damien? Siya ba ang head ng school dito? Beep.. Si tita Sierra. Tumingin ako kay sir bago binasa ang text ni tita. Mamaya pumunta ka dito sa 4th floor, may sasabihin ako sayo. SR ROOM. Anu kaya ang sasabihin ni tita sa akin. Agad kong tinago ang cellphone ko ng lumapit si sir sa akin. Patay! Seryoso ang mukha niya kaya kinakabahan ako. Nakita niyang may hawak akong cellphone. First day ko palang sa klase niya. Baka sigawan ako nito. Napalingon ako kay Elisa. Hala, nakaupo lang siya at nakatingin sa harap. Diba hawak din niya ang kanyang cellphone kanena. Ang bilis naman niya. '' You must be new here. You are ?'' Ba't tumataas ang balahibo ko sa boses niya. Tumayo ako saka nagbow. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Kulang nalang ma heart attack ako. '' A-adriana L-luna Guerrero po sir.'' Nakayuko lang ako dahil ayaw kong makita ang mukha niya. Baka sigawan niya ako bigla. Sa kanyang sapatos lang ako nakatingin. '' Please focus in the class, Luna''. '' Y-yes sir'' Agad namang bumalik si sir harapan kaya umupo agad ako. Muntik na akong mahimatay dun. Napatingin ako sa mga kaklase ko. Mga silang mga pake. Mabuti nalang, nakakahiya kaya ang mapagalitan. Huminga ako ng malalim. '' Okay ka lang Luna?'' Sa sobrang okay ko, muntikan na akong mahimatay. Tsk. Ngumiti lang ako ng kunti kay Elisa. Nakikinig lang ako kay sir pero may narinig akong tumatawag sa akin. Luna.. Lumingun ako sa paligid pero may kanya kanyang ginagawa ang mga classmates ko. Hindi ko nalang pinansin at nakafocus lang ako kay sir. ****** Natapos na ang class ko kaya naalala ko ang text ni tita Sierra. Kailangan kong pumunta sa 4th floor. Nagpaalam ako kay Elisa, sabi niya na mag ingat daw ako. Mag ingat? nasa loob naman kami ng school. Nagsimula na akong maglakad papunta sa 4th. Habang naglalakad ako ay puro tingin ang nanakikita ko. Lahat sila gulat at pero yung iba, ang sama ng tingin sa akin pero diretso lang ako sa paglakad. Pero hindi ko sinasadya ang marinig ang isa sa mga sinasabi nila. Human. Nasa 4th floor na ako. Huminto muna ako dahil medyo sumakit ang paa ko sa kakalakad. Ang laki kasi ng school nato at ang layo ng 4th floor. Hinihingal pa ako habang naglalakad. Hinanap ko agad ang SR ROOM. Maya maya ay nakita ko na ang room ni sinasabi ni tita. Kumatok ako sa pinto ng dalawang beses. Bumukas ito kaya pumasok ako. Napatingin ako sa paligid. Ang tahimik. Madilim medyo kaya nilibas ko ang cellphone ko para mag flashlight. Naglakad ako ng kunti, nasaan kaya si tita. '' Umupo ka Luna'' Napalingun ako bigla. Muntik na akong matumba dahil sa gulat. Napatitig ako sa babaeng nasa harapan ko. Siya si Tita Sierra? Mukhang ang bata pa niya. Ang ganda niya. Napansin niya ang pagtitig ko kaya umiwas ako ng tingin. '' Kumusta ang unang araw mo dito?'' Seryoso lang ang mukha niya habang nakatingin sa akin. '' O-okay lang po tita.'' Medyo natatakot ako sa presence niya. Pero hindi ko yun pinahalata sa kanya. . '' Gusto kong isuot mo itong kwintas, wag na wag mong tatanggalin kahit anu man ang mangyari'' Kinuha ko agad ang kwintas na binigay ni tita sa akin. Kulay pula ang pendant at saka may dalawang half moon sa itaas. Isinuot ko ito at saka ako lumingun kay tita. Bakit niya ako binigyan ng kwintas?hindi ko naman birthday. '' B-bakit niyo-'' Napatingin ako sa paligid. Nawala bigla si tita Sierra. Agad akong tumayo para hanapin siya pero parang umalis na yata siya. Hinawakan ko ang kwintas. Anung meron nitong kwintas. Parang seryoso si tita kanena. Hindi ko daw dapat hubarin itong kwintas. Bakit kaya. Saan kaya dumaan si tita. Hindi ko naman narinig na bumukas ang pinto. Creepy. *********** Bumalik ako sa dorm namin. Nakahiga si Elisa at wala si Adela. Nasaan kaya siya? Humiga ako sa kama at saka pumikit. Maraming gumugulo sa isip ko. Ang Lorenzo at si tita. Lahat ng nangyayari sa akin ay naguguluhan ako. I missed my old school. I missed my old friends. Bakit kakaiba ang mga estudyante dito. Bakit ang daming mga puno sa labas. Bakit nasa malapit sa forest kami. Anung nangyari kahapon. Anung meron sa 7th floor. Bakit ako binigyan ni tita Sierra ng kwintas. Napamulat ako ng may kumatok. Tumayo agad si Elisa at binuksan ito. May babaeng may dalang malaking kahon. Anu kaya yan.May sinabi ito kay Elisa kaya lumingun siya sa akin at saka tumango sa babae. Umalis naman agad ang babae. Lumapit si Elisa sa akin. '' Para sayo daw'' Para sa akin?kaneno kaya ito? Binuksan ko ito at. Napanganga ako.. Mga pagkain at mga paborito ko. Napansin ni Elisa ang malaki kong ngiti. '' Gusto mo?'' Tinignan niya yung laman ng kahon at saka tumingin sa akin ng seryoso. '' Hindi ako kumakain ng ganyang pagkain'' Nagulat ako sa sinabi niya. Lumingun ako sa kanya. Nabadtrip na naman ba siya sa akin?Anung mali sa tanong ko. Baka ayaw niyang may nagtatanong sa kanya. Pumikit ako at saka nagpray. '' Thank you Lord for the foo-'' Nabigla ako ng sumara ang pinto. Lumabas si Elisa? Anung nangyari dun? Galit ba siya sa akin? Tinignan ko ang mga pagkain. '' Ang sarap kaya nito'' ************* Hinintay ko si Elisa pero hindi na siya bumalik. Kaya mag isa nalang ako dito. Tumingin ako sa bintana. Ang tahimik sa labas. Isa lang ang may ilaw kaya nakakatakot sa labas. Naalala ko ang lalake kahapon. Sinu kaya siya. Anung ginagawa niya sa puno. Tinignan ko yung puno, at saka ako napahinto. May tao sa likod ng puno. Hindi masyado malapit pero alam kong may tao. Madilim pero nakikita ko siya dahil ang liwanag ng buwan. Anung ginagawa niya sa ganitong oras? Agad kong sinara ang kurtina at saka umupo sa kama. Nasa forest ang lugar na ito kaya impossible! Pero familiar siya. Nakasuot siya ng itim na damit. Hindi kaya siya yung- Lalakeng nakita ko kahapon. ************* Luna Luna Luna Please come with me.. Please come with me.. Please come with me.. ''Ahhhhhhhhhhhhhhhhh'' Napahawak ako sa dibdib ko. Hinihingal ako. Napatingin ako sa relo ko. 12:00am. Napatingin ako sa paligid. Ako lang pala mag isa. Pinagpapawisan ako kaya tumayo ako at binuksan ang bintana para pumasok ang hangin. Napatingin ako sa moon. Napakaganda nito . Nakakapagtaka, 12am na naman ako nagising. Hindi naman ako ganito nuon. Kahapon lang nagsimula. Para bang may gumigising sa akin. Hinawakan ko ang kwintas na suot ko, nang biglang nag iba ang paningin ko. I saw a man ************ Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kagabi. Sinu yung lalakeng nakita ko? hindi siya familiar sa akin. Hindi ko nakita sila Elisa at Adela simula pa kanenang umaga. Nasaan kaya sila. Nagsimula na ang klase kaya kay sir ako nakafocus. Pero hindi ko maiwasan ang hindi maalala ang mukha ng lalake. Parang gusto ko siyang makilala. Maya maya ay natapos na ang klase namin kaya naisipan kong hanapin ang library para magbasa. Habang naglalakad ako ay may lalaking bumangga sa akin. Napahawak ako sa pwet ko dahil ang lakas ng pagkabangga. ''Arayyy'' Tumayo ako at saka inayos yung palda ko. Napatingin ako sa lalakeng nakabangga sa akin. Nakatayo lang siya at mukhang gulat. Magsasalita sana ako ng may dumaan sa kanya, I mean tumagos sa katawan niya. Dumaan yung babae sa katawan niya. Napanganga ako. Natauhan naman siya at agad siyang tumakbo ng mabilis. Anu yun? ba't hindi siya nakikita ng mga estudyante. Invisible ba sya? or ghost na? tumaas ang mga balahibo ko. Sa wakas, nahanap ko ang library nila kahit hindi ako nagtatanong kahit sinu. Nasa third floor ang library nila. Pagpasok ko sa library ay nag iba ang kanilang mukha ng makita ako. Inaasahan ko na ang mga reactions nila kaya diretso lang ako sa loob sabay naghanap ng libro. Pureblood Napatingin ako sa title. strange title. Naghanap ako ng ibang libro pero wala akong nagustuhan para basahin dahil puro supernaturals ang mga nandito. The wolves The witch who died Bakit ganito ang mga libro nila dito. Sinubukan kong maghanap ulit pero wala talaga kaya naisipan kong lumabas nalang dahil hindi ko gusto ang mga tingin nila. Paglabas ko ay may nakasalubong akong tatlong lalake. Nagulat sila ng makita ako pero napalitan ito ng smirk sa kanilang mga mukha. Lumapit yung isa sa akin kaya napaatras ako. ''New girl huh?'' Tinulak ko siya pero hinawakan niya ang kamay ko. '' Shhhhhh let's have fun'' Nabigla ako ng niyakap niya ako at - My eyes widened. Nag iba ang paligid at maraning puno. Don't tell me, nasa forest kami! '' Ohh, nagulat yata kita'' Napaatras ako dahil hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Takot at pagtataka ang nasa isip ko. Napatingin ako sa kanilang tatlo. Red eyes? fangs? lumingin ako sa paligid para humingi ng tulong. ''Don't be afraid, We are here to make you happy, diba boys? hahahahah'' Hindi sila normal. Umiiyak na ako sa takot. Lumapit yung isa at saka niya ako hinila palapit sa kanya. He smelled me. Kinilabutan ako. Gusto ko siyang suntukin pero nanghihina ang mga tuhod ko. Wala akong lakas para labanan sila. Someone help me. Pinikit ko nalang ang aking mga mata at hinintay ang susunod na mangyayari. '' Rafael, bitawan mo siya.'' Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Thank GOD! ''Gael at Dante, bakit kayo nandito?'' Binitawan niya ako ( Rafael) agad akong natumba at umiyak. '' Anu pa ang hinihintay niyo, bumalik na kayo sa dorm.'' Agad silang nawala at napalingon ako sa babaeng nagsalita. Si tita Sierra. Panu niya nalaman ang nangyari sa akin? may nagsabi ba sa kanya? Anung nangyayari? naguguluhan ako. Sinu yung mga lalake kanena, anu sila? may fangs at red eyes? bakit sila ganun. '' Luna, don't worry, you are safe now'' Niyakap ko siya at niyakap din niya ako. Mixed ang aking nararamdaman. Gusto ko siyang tanungin pero nanghihina na ako. '' Sleep tight Luna'' Hindi ko alam kong anung nangyari pero bigla akong nawalan ng malay. Sierra POV Alam kong marami siyang tanong kaya ko siya pinatulog. This girl is pure ang kind hearted. Don't worry, hindi mo ito maaalala kaya sleep well Luna. Dinala ko siya sa dorm niya. I will answer all of your questions in the near future.. *********** Author's Note: How is it? Anyway please enjoy reading! @xiulanmin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD