Mapple's Pov SABADO ngayon kaya tinanghali ako ng gising. Dahan-dahan ko pang minulat ang mga mata ko habang nag iinat ng katawan. Ang sarap talaga pag walang kinakatakutan sa bahay, yung hindi ko na pinoproblema kung saan kami tatambay ng kapatid ko dahil nasa loob ng bahay ang manyak namin na stepfather. Tumingin ako sa tabi ko at nakitang wala ang kapatid kong si Maureen. Maaga na naman siguro na gising yun at pumunta na naman sa labas ng bahay. Amoy kalabaw na naman yun pag-uwi. Bumangon na lang ako sa kama at inayos muna ang higaan namin ng kapatid ko. Naghihikab pa ako habang ginagawa ko yun. Mabuti nalang at wala kaming assignment sa buong subject. Gusto ko tuloy gumala sa bahay nila Hanzel para bisitahin siya. Itinali ko muna ang buhok ko habang naglalakad ako patungo sa pin

