Mapple's Pov NAMAMANGHA kong ipinalibot ang tingin sa kabuuan ng bahay ni kuya Red. Kanina pa yata nakabukas ang labi ko dahil ang ganda ng bahay niya. "Ikaw lang po talaga ang nakatira dito, kuya Red?" Tanong ko sa kanya. Inilapag niya ang buhat-buhat niyang mga gamit ko sa mahabang upuan sa sala saka siya lumingon sa 'kin. "Hindi. Kasama na kita eh, kaya dalawa na tayo." Sagot niya sa 'kin sabay kindat. "Kindat ka ng kindat, makirat ka sana." Saad ko sabay irap. "Ayos lang makirat basta dahil sa'yo, little girl." Banat na naman niya. Minsan talaga ang sarap niyang banatan sa mukha. Ibinalik ko nalang ang tingin sa kabuuan ng bahay ni kuya Red. "Wala ka bang dinala dito, kuya Red? Katulad nalang po yung binahay po." Tanong ko sa kanya. "Meron," tipid niyang sagot. Pumitik yata ug

