Chapter 40 “Good morning Sir,” bati ng katulong nang papasok pa lang sa Mansyon si Don Julio. Hindi na maganda ang mustra ng mukha ng Don pag tapak niya pa lang sakanila. Nilalabas ng ilang tauhan ng Don ang ilang gamit mula sa sasakyan at tinulungan naman kaagad ito ng katulong na sumama sa pag salubong sa kanilang Amo. Kakalapag lang ng uwi ng Don sa business trip niya sa Taiwan at tatlong araw siyang wala sakanila. “May gusto po ba kayong kainin Sir?” Kinakausap pa rin ng katulong ang Don sa pag lalakad nito; samantala naman ang Don mukhang ayaw makipag usap. “Hindi na. Ihatid na lang sa silid ang mga gamit ko.” Kina-tango naman ng katulong nang makuha ang pinag-uutos nito. “Asan si Lucinda?” Iyon kaagad ang unang hinanap ng Don sa kanyang pag dating at hindi makita ang asawa sa m

