Chapter 39 LALAINE’S POV Jessica? Nag kasalubong kaming dalawa at ibang-iba ang paraang ng titig sa akin ni Jessica. May laman ang tingin niya at pangiti-ngiti pa na para bang may ibig ipahiwatig. Umiwas na lang ako ng tingin dahil ayaw ko nang gulo at ayaw ko talaga na mag banggaan kaming dalawa. Pinag patuloy ko lamang ang pag lalakad ko na para bang walang nakita; iniiwasan na mag pako ang aming mga mata. Bago ako tuluyang maka-lampas, nag pahabol ito ng salita na kina-hinto ko naman. “Ang ganda mo pala talaga, Lala, at hindi na ako nag tataka kong ikaw pinakasalan ni Connor.” Pang uulit ulit nito at umanggat na ako ng tingin para mag karon ng eye contact sakanya. Nilapit ni Jessica ang sarili sa akin at inamo’y-amoy pa ako. Ang weird. Amoy banyo na ba ako, para amuyin niya?

