Chapter 53 LALAINE’S POV Napadaan ako sa kusina para maka-kuha nang makakain sa ref na mag paagaw ng atensyon sa akin ang pinag kainan na iniwan na lang sa lamesa. Nakatiwangwang ang mga ilang hugasin at pinag kainan, at hindi man lang sinadyang ilagay sa lababo. Sobrang kalat ng dining at kusina na hindi naman ganun ang ayos simula no’ng iniwan ko kanina. Kakatapos lang namin mag almusal kanina, at nahugasan na rin naman ang mga pinag kainan namin, pero bakit may hugasin na naman ulit? Kaninong pinag kainan ito? Humingga na lang ako ng malalim at niligpit na ang mga pinag kainan na iniwan man lang sa lamesa para idala sa lababo para mahugasan na. Nakakasiguro ako na hindi ko iyon ginamit at kahit na rin si Connor. Dalawang linggo namin pag sasama namin ni Connor sa Ilocos, ayaw na

