Chapter 52.1 JESSICA’S POV Lumaki ang ngiti sa aking labi nang makita ko si Lalaine na nakata-tayo sa harapan namin at kasama nito si Brent. Nilaliman ko pa ang pag hahalikan naming dalawa ni Connor at gumuhit sa mata nito ang sakit at selos na madatnan niya kaming nag hahalikan na dalawa. Ang mata niya mamasa na, at iiyak na ito anumang oras. Sige lang! Umiyak ka! Para tuluyan kanang umalis sa landas namin ni Connor. Ang sarap-sarap sa aking pakiramdam na matagumpay kong nagawang saktan at pag selosin ito! Nang makita ko pa lang si Lala, na padating sa direksyon naming ni Connor kanina, doon ko na lang biglang hinalikan si Connor para maisagawa ang aking plano na sirain silang dalawa. Hindi naman ako nabigo dahil tignan mo ngayon dahil talunan kana ngayon, Lala. Ang halik nami

