Chapter 25 LALAINE'S POV "Ughkk!" Patuloy kong pag duwal sa sink. Humilamos ako ng aking mukha at diretso na rin naligo. Simpleng bestida na blue na lagpas tuhod ang haba at hinayaan na rin naka-lugay ang mahaba at basa kong buhok habang tinatahak na mag lakad palabas nang silid namin ni Connor. Lagpas alas-otso na ng umaga ako nagigising at hindi ko na nga naabutan si Connor dahil maaga itong umaalis para pumunta sa trabaho. Dalawang araw na ang nakaka-lipas simula no'ng huli kaming dumalaw kay Lola Pasing at panatag na rin ang kalooban ko na maayos na ngayon ang pakiramdam nito na hindi na dapat ako mag-alala pa. "Good morning Mam." salubong na bati sa akin ni katulong at binibigyan nila ako ng matatamis na ngiti at pag bati sa tuwing nakaka-salubong nila ako. Unti-unti na rin ako

