Chapter 24 LALAINE’S POV WARNING R-18 “C-Connor,” iyan na lang ang aking nasambit na makita ang nakaka-takot na nilalang na naka-tayo sa likuran ko. Hindi ko rin maikilos ang aking katawan at nanlamig kaagad ako na makita ang madilim na mustra nitong hawak ang baril. Hinakbang nito ang paa palapit sa akin at sa tuwing inaapak niya ang paa; nararamdaman ko ang kakaibang kilabot sa buong pag katao ko. Huminto si Connor sa harapan ko at nag sidatingan na rin ang mga tauhan ni Connor na kanina wala naman sila doon. Pinalibutan ako ng mga tauhan ni Connor at kahit tumakbo man ako, mahuhuli at mahuhuli pa rin nila ako. Nilunok ko ang laway ko at tumitig muli ako sa malamig na mata ni Connor at nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa nang binuhat niya ako na parang bigas at pinatong sa

