Chapter 5

2058 Words
Chapter 5 LALAINE'S POV "M-Mam Jessica," nag vow pa ako sa harapan nito tanda lamang ng pag galang at respito dito. Nanatili lamang naka-tayo si Lala sa harapan ng babae, nag hihintay kong may sasabihin at may ipag-uutos pa ba ito sa akin. Hindi ko lubusang akalain na makaka-salubong ko ito ngayon. Maganda ang babae, balingkinitan ang katawan at may katangkaran din ito kumpara sa akin. Hanggang balikat ang chocolate nitong buhok at balingkinitan ang katawan. Kasing puti ng nyebe ang kulay ng kutis nito at porcelana na babasagin na hindi man lang nadapuan ng lamok. Hindi nakaka-sawa na pag-masdan ang mukha nitong mukhang anghel at sobrang Amo. Ang maamo nitong mukha, na sa isang iglap naging matalim ang titig nito. Naging mataray at nakaka-takot ang expression; ibang-iba kumpara kanina. Hinakbang ni Mam Jessica ang paa nito at umikot pa sa akin; hindi naalis ang pang huhusga at kilatisin ang itsura ko. Tanging uniforme ang aking suot at naka-tali naman ang buhok ko para maging kaaya-aya ang aking itsura. Bawat yabag ng paa nitong nangilatis sa akin, iyon naman ang pag-bigat ng aking dibdib. Huminto ang yabag ng paa sa harapan ko at ang kilay nito naka-taas na. "Bago ka ba dito? Ngayon pa lang kita nakita," maarti nitong pag-kakasabi. "O-Opo, bago lang po ako dito Mam, Jessica." Sobrang lakas na ang pintig ng aking puso; at hindi ako naka-ligtas sa mata nitong kay lamig. "What's your name?" "Lala po. I mean, Lalaine po Mam," ngumisi lamang ito at hinakbang ang paa palapit sa akin. Huminto ito sa gilid ko at sabay bulong ng ganito. "I hate you!" Nanigas ang buong kalamnan ko sa katagang binitawan nito. Naguguluhan pa din sa sinabi nito kong bakit ayaw niya sa akin? May nagawa ba akong mali? Humawak si Jessica sa balikat ko at diniin ang matutulis nitong kuko sa balat ko. Tiniis ko na lang ang sakit na pag kakagawa nito na alam kong mag-iiwan ng marka sa balat ko pag katapos. "Alam mo ba Lala, kong paano tumagal sa serbisyo? Ayusin mo ang trabaho mo at ayaw ko na isang katulad mong mababang katulong ang haharang sa akin!" Diniin pa lalo nito ang kuko sa balat ko; na bumaba ang kaliwa kong balikat sa lakas ng pwersa na pag kakabaon ng kuko sa aking balat. Kirot at sakit ang gumuhit sa mata ko samantala naman ito naka-ngisi at ang mata'y puno ng galit. "Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko? Layuan mo ang fiance ko, kong ayaw mong gawin kong bangungot ang buhay mo!" "Yes p-po Mam." Hirap kong sagot. Ngumisi itong nakaka-loko at bago ito umalis; binunggo pa nito ang balikat ko at taas-noong nag lakad palayo. Maluha-luha ang mata kong sinundan ng tingin si Mam Jessica palayo. Hindi pa din naalis ang takot sa aking puso sa ginawa sa akin. Ano bang ginawa ko? ***** Kanina pa hinahalungkat ni Lala ang loob ng bag para hanapin lamang ang nawawalang kwentas. Naroon na sa ibabaw ng kama naka-lagay ang iba pa niyang mga gamit, subalit wala roon ang hinahanap niya. Malalim na ang gabi, at tulog na ang mga kasamahan ni Lala sa maids quarter, subalit gising pa din ang diwa niyang hinahalungkat ang kasulok-sulokan ng mga gamit para hanapin lamang ang kwentas na huling binigay sakanya ng kanyang Inay. Hindi pa rin siya tumitigil hangga't hindi iyon nakikita. Huling pumasok sa maids quarter si Lola Pasing kakatapos lamang ng trabaho nito sa kusina. May pag-aalala itong lumapit na mapansin nitong gising pa ako. "Lala, ano bang ginagawa mo? Bakit naka-labas itong mga gamit mo?" tumigil si Lala sa ginagawa at kina-baling naman ng tingin ang Lola na naka-tayo na may maluha-luha na mata. "L-Lola," Lumambot kaagad ang mukha ng matand na makita ang paborito nitong Apo na may daplis na luha. Piniling maupo sa gilid ng kama at hinawakan ang pisngi ni Lala. "Oh bakit, naiiyak kana? May problema ba?" "Nawawala ang kwentas ko," parang bata na sumbong ni Lala sa Lola nito. Hindi dapat siya maging emosyonal na umiyak, subalit hindi niya mapigilan na maging pumatak ang luha na hindi makita ang huling regalo sakanya ng Inay. "Ha? Saan mo ba nilagay?" Tumulong na rin si Lola Pasing para hanapin ang nawawala kong kwentas sa mga naka-kalat kong mga gamit sa ibabaw ng kama. "Saan-saan mo kasi nilalagay ang mga gamit mo. Saan mo ba huling nakita iyon?" "Hindi ko p-po alam. Hindi ko naman tinatanggal iyon sa leeg ko eh." Sumisinok na si Lala habang kumu-kwento. Wala din siyang matandaan kong saan niya huling suot-suot iyon. Hindi ko rin mahanap-hanap sa buong Mansyon dahil hindi ko rin alam kong saan huling suot ko ito. Nauubusan na ako ng loob na mahanap ang kwentas, pero hindi pa rin ako tumitigil. "Nawala na lang po siya bigla sa akin. Anong gagawin ko? Hindi pwede iyon na m-mawala sa akin, Lola." "Sinubukan mo na bang hanapin sa kama mo? Baka nakasiksik lang dito." Inanggat ni Lola Pasing ang unan pero wala pa rin. "Wala po eh. Sinubukan ko na rin na hanapin kanina pero wala eh. Lola, anong gagawin ko? Bigay pa naman sa akin iyon ni I-Inay." Tumulo na naman ang luha sa pisngi ko. "Huwag kanang umiyak, tutulungan kitang mag-hanap ng kwentas mo. Susubukan ko rin na mag tanong sa mga kasamahan natin bukas at baka nakita nila ang kwentas mo," pag papalakas loob nito sa akin, pero hindi eh. "Paano kong hindi ko na iyon mahanap? Paano kong nawala na iyo—" "Shh, huwag kanang mag-isip ng kong ano-ano. Mahahanap din natin ang kwentas mo." Pag papakalma nito sa akin. Tinulungan na ako ni Lola Pasing na ibalik sa dating pag-kalagyan ang mga gamit ko at tinulungan ko na rin ito. Nang matapos na kami mag ligpit, tahimik pa din ako; habang humihikbi ng tahimik. Anim na double deck ang naka-loob sa maids quarter at tulog na ang mga kasamahan namin sa silid. Mabuti na lang; hindi sila nagising sa pag-iiyak ko kanina pa. "Naalala ko bigla, kaninang umaga hindi ko na napansin na suot mo ang kwentas mo. Paano kong hindi mo nawala ang Kwentas mo dito sa maids quarter kundi sa ibang lugar?" Ang salita ni Lola Pasing ang mag pahinto sa akin? Ano? Simula kaninang umaga, hindi ko na suot ang kwentas ko? Aaminin ni Lala sa sarili na kung minsan makaka-limutin na siya sa katambak na maraming gawain sa Mansyon. Ilang segundo ako natigilan, iniisip ko pa rin kong saan nga ako pumunta kaninang umaga. Wala naman akong pinuntahan kaninang umaga bukod sa gumising at gawin ang mga trabaho ko. Kagabi ako umalis para uminon ng tubig at ihatid si Sir Connor sa kanyang silid dahil lasing na lasing ito. May sumuntok kaagad sa dibdib ni Lala na bumalik ang ala-ala ko ang pangyayari. May takot sa aking puso ko na maalala ang mga kaganapan kagabi. Paano ko ibigay ang sarili ko kay Sir Connor. Paano kong doon ko nga naiwan ang kwentas ko? Anong gagawin ko? Ramdam ko ang paninigas ng katawan ko at pamumutla ng labi ko sa mga nangyari. Sobrang tanga ko talaga. "Mag pahingga kana, maaga pa tayo bukas. Mabuti na lang at hindi ngayon uuwi si Sir Connor." Isang tango na lang sinagot ko at tumayo na si Lola Pasing. "Matulog kana Lala, bukas na natin hanapin ang kwentas mo," "O-Oho." Humingga na si Lola Pasing sa higaan nito samantala naman ako piniling mahiga na rin. Pinatay na ni Lola Pasing ang ilaw na nag sisilbing liwanag sa maids quarter. Ilang segundo na ang lumipas. Ang segundo naging minuto. At ang minuto naging oras. Pabaling-baling ako sa kinahihigaan ko at hindi maka-tulog. Iniisip ko paano kong doon ko na naiwan talaga ang kwentas ko sa silid ni Sir Connor? Pilit kong winawaksi sa isipan kong mali ang iniisip ko subalit. Paano na lang kong naroon talaga ang kwentas ko sa silid nito? Kong hindi ako ngayon kikilos, kaylan pa? Gusto ko na rin makuha ang kwentas ko. Naupo ako sa malambot na kama. Ginala ang paningin ko kaliwa't-kanan. Tulog na ang mga kasamahan ko sa silid at mukhang mahimbing na lahat ang pag kakatulog nila. Pasado ala-una na iyon ng madaling araw at masisiguro ko talaga na tulog na lahat, maliban sa akin. Buong ingat akong bumaba sa kama at sinuot ang pares nang tsinelas na mag silbing protekta sa malamig na sahig. Buong ingat kong hinahakbang ang paa ko palabas ng silid na hindi magigising ang mga kasamahan ko, lalong-lalo na rin si Lola Pasing. Kanina ko pa ito pinag-isipan at buo na ang desisyon ko na pupuslit na pumunta sa silid ni Sir Connor para hanapin ang kwentas ko. Wala siya ngayon sa bahay kaya't ito ang magandang pag kakataon na gawin ang bagay na ito. Nakakatakot man na posibleng mahuli ako sa aking gagawin pero hindi ako mag-sasayang ng pag-kakataon. May posibilidad din ako na mahuli ng mga kasamahan ko at tauhan ni Sir Connor, pero kailangan ko maging mainggat. Matagumpay na akong naka-labas ng maids quarter na hindi nagigising ang lahat. Nag lakad na ako at sumalubong kaagad sa akin ang tahimik na living area at ilang bahagi ng Mansyon nilalamon na rin ng madiliman dahil naka-patay na ang ilaw sa ilang bahagi. Wala na rin na mga katulong na gising at ang mga tauhan ni Connor, nag roving ang mga ito sa labas. Imposible na pumasok sila dito sa Mansyon. Mabilis na rin akong kumilos na walang sinuman na tao ang maka-huli sa akin. Napaka-bilis ng kalabog ng puso ko na tinatahak paakyat sa hagyan, umaasa na maging matagumpay itong ginagawa ko. Para na akong mag-nanakaw na ayaw mag pahuli kaninuman. Matagumpay akong naka-akyat sa ikalawang palapag. Humahampas sa buong kalamnan ko ang malamig na hangin at kadiliman ng bawat paligid—may konting liwanag pa rin kaya't tulong na rin iyon para gaano kong makita ang kapaligiran. Nag lakad pa ako ng ilang minuto at kusang huminto ang paa ko sa tapat mismo ng silid ni Sir Connor. Kumalabog ng sobrang lakas ang pintig ng puso ko at ramdam ko na rin ang pag-hihina ng katawan ko. Dapat ba akong tumuloy? Paano kong mahuli ako? Paano kong mas malala pa ang mangyari sa akin na kaparusahan na pag labag ko sa patakaran na pag pasok ko ng walang pahintulot sa silid ni Sir Connor? Kanina pa nag tatalo ang puso at isipan ko; kong tutuloy pa ba o aatras na lang. Sa tuwing iniisip kong umalis, nandon naman sa kabilang utak ko na dapat akong pumasok sa silid. Kulang na lang dumugo ang ibabang labi ni Lala sa higpit na pag kakagat niya doon na hindi mapakali at makapag isip ng matino. Nag pakawala ako nang malalim na buntong-hiningga bago ko hinawakan ang seradura ng pintuan. Kailangan kong gawin ito. Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pintuan at kasabay ng malakas na pintig ng puso ko na mapag-tanto na hindi iyon naka-lock. Tinulak ko pabukas ang pintuan na buong pag-iinggat. Sumalubong kaagad sa akin ang kadiliman ng silid at kakaibang takot sa kalamnan ko na maapak ang paa ko sa silid ng nakakatakot na nilalang. Hinakbang ko ang paa ko na mainggat samantala naman ang isa kong kamay; naka-kapit sa pader hinanap ang switch ng ilaw para madali para sa akin na mahanap ang kwentas ko. "Asan na ba kasi ang kwentas ko?" Mahina kong bulong samantala naman ang mata ko naka-tuon sa lapag; pilit na inaaninag ang kwentas ko. "Asan kana ba? Malakas ang kutob ko na dito ko lang naiwan ang kwentas k——" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may marahas na humawak sa aking pulsuhan at diniin ang katawan ko sa malamig na pader kasabay ang unggol na kumuwala sa aking bibig. Sobrang bilis ng kalabog ng aking puso na konting-konti maiihi na ako sa takot.. "A-Aray ko! Ano b——" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang dumanak ang malamig na kilabot sa puso ko na makita ang maitim na pigura ng tao na naka-tayo sa harapan ko. Dumaplis ang malamig na pawis sa buong pag katao ko na masaksihan ang nanlilisik na mata ng demonyo na kaharap ko; na matamaan ng ilaw mula sa labas. "S-Sir C-Connor." Iyan na lang ang nasambit ko sa pagitan ng panginginig ng katawan ko sa takot. Diyos ko. Tulungan niyo ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD