CHAPTER 82 LALAINE'S POV Kanina pa ako hindi mapakali sa aking kina-uupuan at ang pamumula at pamumugto ng aking mata ang palatandaan na wala akong tigil sa kakaiyak. Lumapit sa gawi ko si Manang Betty at kasama nito si Claring na nilagay ang hinanda nilang meryenda na ginawa, sa table na kaharapan ko lamang. Pinapanuod ko lamang sila na isa-isang nilalagay ang mga iyon sa lamesa. Nang matapos na sila sa pag-aayos, pasadyang lumapit sa akin si Manang para may sabihin. "Mam Lala, kumain kana po ng meryenda." Pag aalok nito sa akin. Nilingon ko, muli ang hinanda nila at gaano man iyon kasarap at katakam, wala akong ganang kumain. Hindi ko alam sa sarili ko, kong makakaya kong lunukin ang mga iyon lalo't hanggang ngayon wala pa ring balita tungkol sa anak ko. "Maraming salamat na lang p

