Chapter 46 “Sir Connor, nailagay ko na po sa sasakyan ang mga naani natin na mga prutas at gulay kanina,” paliwanag ni Manong Ronald na kina-tango naman ni Connor. Naka-pamulsa si Connor at maanggas ang tindig ng sandaling kinakausap ang matanda. Sa gilid nang mata ni Connor pinapadaanan si Aling Myrna, ang anak nito at si Lala na nag aani ng gulay. “Okay, gusto kong maayos na ang lahat para bukas.” Paalala ni Connor dito. Sinenyasan ni Connor si Manong Ronald na maari na itong umalis nang makita ang bulto ng isang taong parating. Naging matalim ang mata ni Connor na makilanlan kong sino iyon. At bago pa lumampas sakanya ang lalaki, hinarang ni Connor si Brent patulak sa dibdib kaya napa-atras ito. “Anong ginagawa mo dito? Diba binalaan na kita noon na huwag kanang lalapit sa asawa ko

