Keep The party ended well. Naging kontento ako sa nangyari ng araw na iyon. Sobrang saya ni Mommy na kahit kinagabihan, naririnig ko parin ang ingay sa kwarto nila at mukhang gising pa noong lumabas ako para uminom ng tubig sa madaling araw. Isa sa mga kasiyahan ng mga anak ay ang makitang nakangiti ang magulang nila. Tinitigan ko ang cellphone ko ng pang-ilang beses. Anong araw na ba? Malapit ng matapos ang summer at mahihirapan na akong lumabas tuwing school days. Hanggang ngayon, hindi parin tumatawag si Aries. Chineck ko iyong recent tweets niya tsaka iyong ig niya, nagpopromote na siya ngayon ng panibago niyang album at mukhang malapit niya na itong ilabas. Sumama akong muli kay White roon sa clubhouse. Mag-isa na naman akong babae. Wala sila at mukhang pinagpaplanuhan talaga nil

