Dare "I-Iyon ang sekreto mo?" nagtataka at namumula ang aking mukha sa sarili kong tanong. Iniiwasan parin ni South ang aking mga mata. "Don't be so flustered about it, Nana. That's called friendly kiss. Akala ko ba magkaibigan tayo? You change your mind?" nahawakan niya ang kanyang batok habang nagkakasalubong ang kilay at hindi parin makatingin. "Friendly kiss?" "Yeah..." he licked his lowerlip as he swallowed hard. "Wala akong maisip na sekretong sasabihin sa'yo kaya yan nalang para matigil kana sa kakakulit sa akin diyan sa sekreto na iyan." inis niyang sabi. "Iyon na ang secret mo?" Tumango siya, binalingan ako sandali pero nahulog rin ang tingin sa aking labi. Ah. Yun naman pala! Friendly kiss. Ang babaw naman pala ng sekreto niya. Pero ang mahalaga roon, nanggaling na talaga

