Secret Kumatok muna ako saka ko pinihit ang pinto ng kwarto nila Mommy at Daddy sa umaga. Nakapantulog parin ako at buhaghag ang buhok, hawak ang isang cupcake na may kandila ay maingat akong pumasok para hindi mamatay ang apoy. "Happy birthday, My!" pagbati ko nang matagpuan ng aking mga mata ang imahe nilang dalawa sa kama. Kapwa buhaghag ang mga buhok at naniningkit ang mga mata. Dad even chuckled when he saw my cupcake. Teka, natulog ba sila? Ba't parang puyat? "Aw, that's so cute, Nana!" nailagay ni Mommy ang kanyang kamay sa kanyang dibdib at napanguso. Mabilis namang kinuha ni Dad ang cellphone sa bedside table at mukhang vinivideohan ako habang naglalakad papalapit sa kanila. "Happy birthday, love." bati ni Daddy at itinapat sa kanya ang camera. He gave her a peck on her fore

