Friendship Pinanood ko ang likod ni South na inilalabas sa oven ang baking pan. Inilapag niya ito sa mesa at saka ako binalingan. Lumapit ako lalo habang inilalabas niya iyon sa baking pan at ilagay sa tray. "We'll make another one." sabi niya pa. "Bakit naman?" "This is for myself." saka niya iyong simulang islice. Ngumuso ako at tiningnan ang aking cellphone. Baka matagalan ako rito at hanapin ako ni Mommy at Daddy sa bahay. Nagtipa nalang ako ng mensahe para makapagpaalam sa kanya. Ako: Mommy nandito po ako sa bahay nila South. Nagbibake po kami. Ibinulsa ko iyon at binalingan ulit si South na hinahanda ulit ang mga ingredients. Pumwesto narin ako. Nakaponytail na ang aking buhok para mas hindi iyon maging sagabal. Ginawa ko na iyon ng buong ingat sa pagkakataon na 'to. S

