Estranghero Nadatnan ni Mommy at Daddy si South. Katulad ng nakagawian ay dito nalang ulit siya pinagdinner. Tinanong nila ito tungkol sa first day of school at kung ano anong related sa school. Pansin ko magalang si South sumagot sa parents ko, pero minsan sa akin ang suplasuplado ng mga sagot niya. Pasukan ulit. Hindi na kami gaanong nakapag-usap ni South sa subject na iyon dahil sunod sunod na lesson na agad ang itinatopic noong prof. Halos sumakit nga ang aking kamay sa kakasulat maliban kay South na nakatukod lang ang siko sa desk, ang palad ay nasa baba at tamad na nakatingin sa harapan. Minsan ay nililingon niya ako pero nasisira lang ang kanyang ekspresyon saka ulit iiwas. Di ko nga alam kung bakit. Teka, napansin niya kaya iyong inilagay ko sa mukha ko? Natapos na ang subject k

