Direction Nakilala ko iyong magkapatid na Lealde. Si Latch na kuya ni Arih. Kababata pala sila ng kambal roon sa bukid. Mas matanda ako ng isang taon kay Arih habang si Latch naman ay mas matanda sa akin ng isang taon. Nahihiya ako roon sa paninitig sa akin ng babae. Na pag magsasalubong ang aming mga mata ay nahihiya rin siyang ngumiti. Naiwan kaming dalawa sa sofa dahil iyong tatlo ay nasa may bintana. Nag-uusap ng kung ano. Gusto kong magsimula ng topic pero kinakabahan ako dahil baka sabihin niyang napakadaldal ko. O baka ayaw niya sa ganoon... Ang aking mga kamay ay nasa kandungan lang ng suot ko at nahawak roon ng mariin. Para akong natabi sa isang babaeng may maibubuga kumpara sa akin na simpleng simple lang... "Okay ka lang?" Tumagilid ang kanyang ulo at isa isa ring nalagla

