Napako siya sa kinatatayuan, hindi s'ya makapaniwala sa kanyang nasaksihan. Ang kanyang mga mata ay nakatuon sa nakakalat na damit sa sahig, isang asul na fitted dress na alam niyang hindi kanya, isang pares ng sandals, at ang mas nakakabigla, ang magkasamang underwear ng babae at lalaki. Pakiramdam niya’y biglang umikot ang kanyang paligid. Nagngingitngit ang kanyang puso habang pilit iniiwasan ng utak niya ang alam na niyang katotohanan. Kurt… paano mo nagawa ito? bulong n'ya sa sarili. “Kurt?” tawag niya ulit, pero mas mahina na ang boses niya ngayon, nanginginig at puno ng hinanakit. Wala pa ring sagot. Sinundan niya ang bakas ng mga damit, na tila nagbigay ng ruta papunta sa kwarto ni Kurt. Habang papalapit siya, mas lumalakas ang kabog sa kanyang dibdib ay parang sasabog anumang

