Hindi pa rin mapakali si Teeny sa kama. Kahit nakahiga na s'ya at mahimbing na din na natutulog si Maymay sa tabi n'ya ay hindi pa rin s'ya dinadalaw ng antok. Dahil nga may load ang cellphone ni Maymay ay naki-hotspot na lang s'ya rito para matingnan n'ya kung kanino nanggaling ang video at kung ano ang laman niyon. Pag-open n'ya ng video ay nagngitngit sa galit ang naramdaman n'ya. Napatiim bagang ang panga n'ya at gusto n'yang sumigaw sa sobrang pagkamuhi ngunit hindi n'ya magawa. Nanginginig ang kamay n'ya. Si Mayette ang naroroon habang nakahubad sa harap ng kanyang nobyo. At ang mas ikinainit pa ng dugo n'ya ay nakatitig lang si Kurt rito. Mula ulo hanggang paa ay pinasadahan ni Kurt ng tingin si Mayette. At masasabi n'ya ngang may maibubuga talaga ang katawan nito. Kumpara sa k

