Napabuntong-hininga siya habang papasok sa loob. Medyo gumaan ang loob n'ya ng mailabas ang galit kay Mayette kanina. Hindi siya lumingon dito, dire-deretso lang siyang naupo sa desk n'ya. Hindi niya na rin pinagkaabalahan na hanapin pa si Kurt dahil wala ng nagungulit sa kanya. Baka napagod na iyon. Mabuti nga sa kanya, bulong niya sa sarili. Nang sulyapan niya ang mga kasamahan niya sa office, nag-iwas ito ng tingin at nagkunwaring busy sa trabaho. Napataas ang kilay n'ya nang makarinig ng bulong-bulongan. Medyo malakas iyon kaya naririnig niya ng malinaw ang tsinitsismis nito. "Alam mo ba Marz, hindi naman talaga siya ang pakakasalan ni Sir," bulong ng isa. "Yung nga rin ang sabi ng mga kapitbahay namin," dagdag pa ng isa. "Kung ako kay Sir, huwag na lang. Mas okay pa naman ang

