Matapos nilang ubusin ang kanilang pagkain, nagpasya na silang umalis sa café. Si Ed ay maginoong tumayo at kinuha ang bayarin sa counter habang siya naman ay inayos ang kanyang bag. Nang makabalik si Ed, inalalayan sya nito palabas, ang kanang kamay nito ay nakalapat sa likuran n'ya. Habang naglalakad sila patungo sa motor ni Ed, napansin n'ya ang malalaking puno sa gilid ng daan at ang malamig na ihip ng hangin. Medyo masakit na rin sa balat ang sikat ng araw dahil alas-syete na pasado. Mabuti na lang at may suot silang jacket ni Ed kung kaya't hindi iyon mahapdi sa katawan nila. "Ang ganda ng umaga. Parang ang perfect ng lahat ngayon." Nakangiti ito. "Perfect kasi kasama kita. At saka mukhang good mood ka dahil sa cinnamon roll." Natawa s'ya bigla. "Malamang! Paborito ko na ata

