Kinabukasan, nagyaya si Ed na kumajn ulit sa labas. Nagpasalamat sila sa waitress at sinimulang tikman ang mga pagkain. Habang kumakain, ramdam n'ya ang saya sa sandaling kasama si Ed. Parang ang lahat ng sakit at lungkot mula sa nakaraan ay napalitan ng new chapter sa kanyang buhay. "Masarap ba?" tanong ni Ed habang sinusubukan ang sandwich nito. Tumango s'ya. "Oo, perfect combination ng avocado at spices. Ikaw, kamusta 'yang bacon and egg mo?" Ngumiti si Ed. "Sapat na 'to. Pero parang mas masarap pa rin 'yung ngiti mo." Napatawa s'ya sa banat nito. "Corny mo talaga." "Aminin mo, kinikilig ka," biro ni Ed sabay kagat muli sa sandwich. Patuloy silang nag-usap habang kumakain. Nang matapos ang kanilang almusal, umorder pa si Ed ng takeout cinnamon rolls para dalhin kay Teeny sa opis

