Naglalakad s'ya sa pasilyo mula sa azotea, pabalik na sa terrace kung saan naroroon sina Kurt. Bigla s'yang sinalubong ni Eden. "Saan ka ba nanggaling?" usisa nito. "Nag-usap lang kami sandali n'ong si Mona," aniya. "Eh, bakit ba kinausap ka ng malanding alalay ni Mayette?" Medyo umismid pa si Eden. "Halika nga hayaan mong tayo naman ang ma-miss ng grupo nila." Napasunod na lang s'ya kay Eden nang hawakan siya nito sa isang palad at humakbang sila pabalik. Lumiko sila sa isang pasilyo. Pumasok sila sa guest room.Sobrang lawak at napakaganda ng silid na iyon. Kahit siya ay humahanga talaga sa mga Vegara. Imbes na maupo ay lumapit sila sa bintana at dumungaw roon. Pinagmasadan nila ang nasa hardin mula sa taas. Sina Mr. Victor na abalang nakikipag-usap sa mga special na bisita. Batid

