"Tuloy ang kasal, Leah." Seryoso kong sabi pagpasok namin sa loob ng condo unit, umiling lang siya sa akin bago dumiretso sa loob ng unit na parang walang pake sa sinabi ko. Kanina ay bago umalis sa condo ni Kurt ay kita ko pa rin ang matatalim na tingin niya dito pati na rin ang pagkailang ni Kurt. "Wala kang sasabihin?", tanong ko sakanya bago sinundan siya na ngayon ay wala ng damit sa kwarto namin. "Ayaw ko makialam sa mga desisyon mo, Preets. Matanda ka na alam mo ang mga bagay na ikakapahamak at ikakasaya mo pero please, this time panuorin mo muna 'to," sabay abot niya ng cellphone niya sa akin. Plinay ko naman ang Video at agad na napatakip ng bibig. "Kailan 'to?" nanginginig ang boses ko na tanong sa kanya, pati sa condo pala n'ya. "Last time, 'yong pumunta ako sa condo niya pa

