Humiwalay na ako kay Tita pagtapos ng food tasting namin para sa pagkain na ihahanda sa kasal, muli akong humarap sa salamin at tinignan ang mukha ko pati na rin ang buong katawan ko. Hindi naman maipagkakaila na may korte ang katawan ko pati na rin ang mukha ko na sinasabi nilang may itsura. Meron akong singkit na mga mata, matangos na ilong at manipis na labi. Natural para sa sinasabi ng iba na maganda, makapal din ang kilay at pilikmata ko na pinakagusto ko sa lahat ng features ko sa mukha. Sinabayan din ng itim na itim kong buhok at medyo mapanga kong mukha na hindi naging dahilan para humaba ang baba. Normal lang naman ang ganda ko, normal para mapansin ng iilan. Hindi na ako nagpasundo kay Kurt at nagpahatid nalang kay Tita sa pupuntahan ko, ayaw ko na sumakay ulit sa taxi dahil l

