Tangina. Biglang nanginig ang kamay ko sa nakita ko, nakapatong si Raven kay Kurt habang ang magaling naman na fiancée ng kaibigan ko ay sarap na sarap sa ginagawa nilang kababalaghan. Alam nilang hindi maayos ang kaibigan ko at alam nilang nasa kasagsagan ng problema nakuha pa nilang magganyan. Mabilis na kinuha ko ang phone ko sa bag at Vinideohan ang ginagawa nila, ang kakapal ng mga mukha! Hindi ko akalain na 'yan ang naging kaibigan ni Preets dati. Ito naman si Kurt akala ko nag-aalala talaga sa kaibigan ko 'yon pala mukhang mas masaya pa sa kalandian niya. Hindi na ako makapaghintay sa ginagawa nila at padabog kong tinulak ang bagay na pinakamalapit sa akin, buti nalang pala ay hindi talaga sumama si Preets ngayon kundi ay baka mas matulala siya sa makikita niya ngayon. "What the

